Alam ni Bureau of Customs Chief Guerrero ang kahalagahan ng dialogo

February 27, 2019

SA ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), tatlo ang pangunahing tungkulin ng Bureau of Customs (BoC).

Ayon kay BoC Chief Rey Leonardo “Jagger” B. Guerrero, ang mga ito ay border protection, revenue collection at trade facilitation,

“To effectively carry out these mandates, an organizational and functional realignment should be undertaken by the BoC,” sabi ni Guerrero.

Ang organizational restructuring ay isa sa sampung priority programs ng BoC sa taong ito.

“Certain offices will be created, renamed, transferred to another group or collection district, or upgraded or downgraded to avoid redundant and overlapping functions,” dagdag pa ni Guerrero.

Ang mga district collector ay nabigyan na ng kopya ng draft ng proposed BoC organizational structure para sa kanilang komento.

Diyan saludo ang waterfront stakeholders kay Sir Jagger.

Hindi siya kagaya ng ibang hepe na akala mo ay sila na lang ang marunong.

Alam ni Commissioner Guerrero na mahalagang malaman ang niloloob ng kanyang mga nasasakupan tungkol sa mga mahahalagang bagay.

Sa isang opisina, magandang ikonsulta muna sa mga kasamahan ang mga mahahalagang programa bago ipatupad ang mga ito.

Kahit galing sa militar, alam ni Guerrero  ang kahalagahan ng dialogo

Iba kasi ang nakasanayan sa militar.

Sa mga sundalo, “obey first before you ask questions.”

Tama naman dahil mahalaga ang bawat segundo, lalo kapag oras ng kagipitan na nakasalalay ang buhay ng  isang sundalo o sibilyan.

Kaisa tayo sa mga naniniwala na nasa tamang direksiyon si Commissioner Guerrero.

* * *

Hindi pa natin alam ang dahilan ng sampung oras na sunog na nangyari sa Port of Manila building noong isang linggo.

Pero ang maliwanag, ang kahalagahan ng regular na inspection sa mga electrical installation sa buong bansa.

Lalo na sa mga lumang gusali, pribado man o pampubliko.

At mahalaga din  na walang substandard na kawad at iba pang bagay na gagamitin sa electrical installation.

Maling pagtitipid kung lalagyan ng murang kawad, switch o circuit breaker.

Dahil tag-init ngayon, dapat magkaroon din ng mga seminar tungkol sa sunog.

Kailangang matuto ang mga empleyado kung paano maiwasan ang sunog at kung ano ang gagawin kapag

may sunog.

* * * 

Tuwing eleksyon ay usong-uso ang survey.

Pero ang maraming nagtatanong kung tama bang ang tanungin mo lang sa survey ay 1,500 o 2,000 botante.

Huwag nating kalimutan na mahigit 50 milyon na ang mga registered voter sa Pilipinas.

Puwede kayang ipagbawal na  ang paglabas ng resulta sa diyaryo, telebisyon, radyo o social media ng mga survey?

Puwedeng magpa-survey ang isang kandidato pero para lang sa kanyang impormasyon ang resulta.

Nakalilito lang ang mga survey dahil iba-iba naman ang resulta.

Ano kaya ang masasabi ng mga taga-Commission on Elections?

(Para sa inyobg komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa 0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)