Ayaw ni Pangulong Duterte na may mamatay sa gutom!

April 15, 2020

MABUTI naman kung tuloy na ang mga infrastructure project ng gobyerno na kagaya ng pagre-repair ng mga riles ng MRT at LRT.

Ayon pa sa balita, dalawang bagong tren na din ang na-test ng MRT management.

Kabilang din sa mga proyekto ang pagtuloy sa mga nakabinbin na proyekto ng DOTr at DPWH.

Sa totoo lang mas mainam na ngayong panahon na pinapairal ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), isagawa ang pagsasaayos ng mga kalsada, pati na ang EDSA.

Ngayon kasi ay madalang ang dumadaan na sasakyan dahil nga naka-quarantine ang buong Luzon.

Sana makapag-operate na din ang mga pabrika at manufacturing companies kahit iyong mga nasa labas ng Metro Manila lang muna. Kailangan lang na strikto pa ring  ipatupad ang "social distancing."

Pwede rin sigurong gawing stay-in na ang mga empleyado para masiguro na walang maging kontaminasyon ng nakamamatay na virus.

At kung tuluyan ngang makapagtatrabaho ang nasa construction, manufacturing at mga pabrika, malaking tulong din ito sa mahihirap na kababayan natin para naman may maipambuhay sila sa kanilang mga pamilya.

Oo pabor tayo sa pagpapatuloy ng ECQ pero pwede namang pag-aralan kung anu-anong sektor ang pwede nang pahintulutang makapagtrabaho.

Ano sa tingin niyo?

***

Tama ang gobyerno.

Matatalo natin ang COVID-19 kung ang taumbayan ay hindi pasaway.

Mamamatay ang Coronavirus kung walang kakapitang tao.

Pero kapag may nakakapitang tao ay mabilis itong dadami at maghahanap pa sila ng malilipatan.

Kaya huwag tayong maglalabas ng bahay. Kailangan laging malinis at magsuot ng face mask kagaya ng laging sinasabi ng mga otoridad.

Kaunting sakripisyo pa at matatalo na natin ang virus na talaga namang "deadly."

Pero dapat siguruhin naman ni Pangulong Rody Duterte na lahat ng apektado ng COVID-19 ay matulungan habang may enhanced community quarantine sa Luzon.

Unfair naman kung babawalan natin na magtrabaho ang mga tao pero wala naman silang  tulong na matatanggap.

Kaya nga may mga nagsasabi na, "mamatay sa gutom ang kanilang mga anak at hindi sa COVID-19."

Alam natin na ayaw ni Pangulong Duterte na  may  Pinoy na mamamatay sa gutom. Paulit-ulit niya itong sinasabi sa tuwing

mag-uulat siya sa taumbayan.

***

May pandemic na pero nandiyan pa rin ang mga mapagsamantalang kababayan natin.

Ayon sa natanggap nating sumbong, hindi lang daw mga negosyante ang nag-ooverprice ng mga paninda.

May mga lokal at barangay official rin ang gusto pang kumita sa pagtulong ng gobyerno sa mga biktima ng COVID-19.

Ang mga binibiling bigas, manok, itlog at iba pang pambigay sa mga tao ay overpriced pa.

Ang babagsik niyo naman!

Nahìhirapan na ang taumbayan, katarantaduhan pa ang nasa ulo niyo.

Dapat kayo ang tamaan ng COVID-19 sa pinaggagawa niyo.

Kilabutan naman kayo!

(Para sa inying komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan. )