Basura, sanhi ng pagbabaha!

June 30, 2019

LUBHANG mabilis ang pag-usad  ng panahon dahil nakatatlong taon na sa Malakanyang si Pangulong Rody Duterte.

Sa totoo lang, tatlong taon na din niyang hinahabol ang mga ismagler, durugista, korap sa gobyerno at iba pang kriminal.

At sa loob ng panahong ‘yan ay nakatatlong customs commissioners na din siya.

Ito ay sina dating Marine Capt. Nicanor Faeldon, Police Gen. Isidro Lapeña at Military Gen. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero.

Sina Faeldon at Lapeña ay natanggal sa Aduana dahil sa isyu ng iligal na droga.

Napalusutan sila ng mga ismagler ng shabu, ang tinatawag na “poor man’s cocaine.”

Pero ngayon, marami ang umaasa na magtatagal na sa puwesto si Commissioner Guerrero.

Ang panalangin nga ng mga supporter ni Sir Jagger, sanay manatili siya sa Aduana hanggang June 30, 2022.

Sa petsang ito kasi matatapos ang six-year presidency ni PRRD.

Sa takbo ng mga nangyayari sa Aduana ay  mukha namang magtatagal sa puwesto si BoC Chief Guerrero

Sa tingin nga natin, nakuha na ni  Jagger ang trust and confidence ng tinatawag na “waterfront community.”

Ang komunidad ay binubuo ng mga taga-Bureau of Customs, importer, broker, mamamahayag at iba pang stakeholder.

Paanong ‘di magtatagal si Guerrero, eh kilala itong fair, just, honest at transparent na lingkod-bayan.

Ang talagang galit sa kanya ay ang mga taong ang tanging gusto ay lokohin ang gobyerno at taumbayan.

Pero iilan lang naman iyang mga salot ng lipunan.

Hindi ba, Sir Jagger?

***

Kitang-kita na ang perhuwisyong dulot ng pagbabaha sa mga mabababang lugar.

Madaling lumubog sa tubig-ulan ang mga “flood-prone” na lugar.

Mabilis ang pagtaas ng tubig pero mabagal ang pagbaba nito.

Ito ay dahil barado ng basura ang mga daluyan ng tubig.

Marami ang nangangamba na lalong titindi ang pagbabaha dahil sa walang katapusang pagtatapon ng basura kung saan-saan.

Ibig bang sabihin nito ay bigo ang gobyerno na maipatupad ang mga environmental laws, rules at regulations?

Tinatawagan din natin ng pansin ang mga opisyal ng barangay.
Aksyon naman diyan!

***

Sa huling tatlong taon  ni Pangulong Duterte ay siguradong abala ang mga gustong kumandidato sa pagka-pangulo, bise presidente at senador.

Sa lawak ng bansa, tamang-tama lang ang tatlong taong paghahanda.

Dapat umpisahan na nila ang pagpaparamdam sa taumbayan.

Kaya nga inaasahan na naman ang pagsisimula ng grandstanding mula sa mga presidentiable, vice presidentiable at senatoriable.

Sa Pilipinas,  hirati ang mga tao sa pulitika.
Kung  sabagay, ang ibang politiko kasi ay ginawa ng negosyo ang pulitika.
Hay buhay nga naman!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-8624484/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang huong pangalan at tirahan.)