'Bigtime players' sa BoC, hindi kayang tinagin!

August 05, 2020

KAHIT yata anong pagsusumikap ang gawin ng ilang matitinong opisyal ng Bureau of Customs para mapatino ang nasabing ahensiya ay patuloy pa rin ang pandaraya ng "bigtime players" na kagaya nila Michael Y., Eric Y., David T. , Anthony, Alex R.,  Beverly, Kimberly, Gerry T. at John P. T.

Karamihan ng ipinapasa nilang kargamento ay mabababa ang binabayaran dahil ito ay undervalued at misclassified.

Nakakaawa na nga ang maliliit na broker dahil sila ang inaagawan ng kargamento  ng mga ganid na "bigtime players, " na kasabwat ang ilang opisyal ng BoC.

Ang matindi pa nito, kaladkad ng mga ito ang pangalan ng isang sikat na mambabatas. Kadalsan nga daw, kapag hindi mo makita sa aduana ang ilang opisyal,  akala ng kanilang mga kasama ay dumadalo sa pagdinig.

Iyon pala, pinatatawag daw ni Mr. Mababatas para ayusin ang kargamento ng mga pinagpalang "bigtime players."

Ang ipinapamalita pa ng mga "bigtime players," hindi sila kayang tinagin dahil 10k daw bawat lata si Mr. Mambabatas.

Isipin mo na lang sa isang dalawang libong container na lang  kada linggo, tumataginting na P20 milyon agad 'yun.

Totoo naman kaya ito o sadyang  kinakaladakad lang nila ang pangalan ng sikat na mambabatas?

Nakakaaawa naman  si Mr. Mambabatas, maeeskandalo na naman dahil sa kagagguhan ng mga ismagler dyan sa aduana.

Mas maige siguro na ipabusisi nina Commissioner Rey Leonardo Guerrero, IG Depcom Ranier Ramiro at Ascom Jett Maronilla kung totoo ang mga nangyayari dyan sa bakuran ng BoC.

Paki tingnan din Comm. Guerrero ang sumusunod na mga Entry na masyadong mababa ang pinagbayaran:

Port of Manila Flat rolled steel coil acfta 50k 1025647 1025658 1025659  1025769 1025648 1025661 1025664

General mdse Manila International Container Port, acfta 120k 1074881 1074884 1074935 1074956  yarn MICP 135k 1074899 foodstuff MICP 180k 1074954

Kitchenware MICP 110k 1075956 general mdse acfta MICP 110k 1075965 1076049 1076098 1076108 1076041 toys acfta MICP 80k 1076056,  fabrics acfta MICP 1076062 1076058 1076062  , linoleum acfta MICP 80k 1076064 cookware acfta MICP 70k 1076055, General mdse no acfta POM 140k 1027565 1027566 1027567 1027573  1027576 1027577 General mdse no acfta POM 135k to 145k 1027592 1027594 1027454 footwear acfta POM 90k 1027547  sanitary wares acfta pom 80k 1027595 General mdse no acfta MICP 120k 1075109 1075096  1075118 1075123 1075136 1075142 General mdse MICP 110k 1077099 1077202 1075592 1074474 1074458 1074444 1074404 1074396 1074443 1075965 1076030 1076049  goldenhomes foods corp  general mdse  110k MICP  acfta 1081922 1082143  1081951  1081435 1081908  1081492  1081909  1081447  1081427  1081769  1080817  general mdse MICP ACFTA 100k Ride on bike ACFTA MICP 75k 1081581 general mdse acfta MICP 100k 1082330 1081888 cyclone wire acfta POM  50k 1029677 1081419  1081387 1082104  1082166 1081381 1081376  1081832  1081756  1082416  1082494  1081812  1081936  1082357  1082328  1082394 1082330 1080842  1081779  1081813 MICP acfta 100k general mdse  Packaging materials acfta MICP 120k 1077404, lighting fixture acfta MICP 90k 1082770 general mdse acfta MICP 100k 1077867 1077868  1080970  furniture acfta MICP 90k 1082536  bag acfta MICP 90k 1082523 plastic products acfta pom 85k 1029957 general mdse no acfta POM 135k 1030101 computer acs POM 130k 1030048 1083314  1083366  1083340  1083350  1083361  1083341  1083381  1082971 MICP no acfta general mdse  130k to 135k general mdse acfta MICP 100k 1081820 1082339 1082034 fabrics acfta MICP 100k 1082970, square tube acfta pom 50k 1030215 1030533 hot rolled acfta POM 60k 1030150 toys acfta POM 75k 1082918 footwear acfta MICP 90k 1082343 1030050 1030101 1030026  1030048 1030076  1030069 1030023  1030071  1030074  1030072 POM no acfta 135k general mdse   frying pan acfta 90k POM 1030312 furniture acfta POM 110k 1029736  general mdse acfta POM 100k 1030189 plywood acfta MICP 60k 1082609

Ito ay ilan lamang sa mga kargamentong ipinasa ng mga nabanggit na "bigtime players."

Mababa ang mga pinagbayaran dahil ang mga ordinaryong broker ay sinisingil nila ng 120k pataas sa bawat 20 footer cntr. van at 160k pataas naman para sa 40 footer cntr. van.

Heto pa, inaalert o hinohold ng ilang opisyal ang kargamento ng maliliit na broker para mapilitang lumipat sa "bigtime players ang kanilang mga kliyente. Masyadong garapal ang ginagawa nila, lalo na dyan sa bagong tatag na IU (investigation unit) na kapag wala kang hatag ay maya't maya ang hold o alert ng kargamento. Kahit nga ilang beses nang nag-negative ang ilang consignee kapag gusto nilang perwisyuhin, iho-hold o i-aalert lang  ay laking gastos at abala na ang inaabot.

Ang balita natin, marami ng naka-enroll dyan sa IU.

Kilos na Commissioner Guerrero.  Mahirap na, dahil tuloy-tuloy ang labas ng kargamento ng mga "bigtime Player" baka may droga ng lumulusot.

Kung mapapansin niyo, kabi-kabila ang nahuhuling droga na pulos milyon ang halaga.

Sigurado tayo na magiging interesado sila Sen. Dick Gordon at Sen. Panfilo Lacson na busisiin ang mga nangyayaring kalokahan diyan sa aduana.

Pakiramdam mo rin Sir Jagger, ang mga  opisyal na nakapaligid sa 'yo na nagmamadaling magpayaman.

Sigurado ko na alam na alam na dyan sa aduana ang "trabaho" ni Mr. Official.

Ang malungkot lang, baka ikaw na lang ang hindi nakakaalam.

Abangan!

****

Kinumpiska ng Bureau of Customs (BoC) ang isang  bagong-bagong McLaren 620R super car.

Ang sasakyan na galing ng Hong Kong ay dumating Port of Manila (PoM).

Ayon sa BoC, idineklara itong isa lang  Porsche Cayman Sports car.

Ito'y ginawa para hindi magbayad ng tamang buwis.

"Allegedly, the consignee Llorin Trading declared duties and taxes amounting to only P1,500,000, thus preventing the collection of P15,000,000 worth of revenues to the government," ayon pa sa BoC.

Ang Mclaren 620R super car ay nagkakahalaga ng P33 milyon at may buwis na P16,771,688.91.

Sinabi ni BoC Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, hindi naman ipinagbabawal ang importasyon ng nasabing sasakyan.

"Ang gusto lang sana namin ay ì-declare nang tama at magbayad ng nararapat na duties at taxes," dagdag ni Maronilla.

Tama naman si AsCom Vincent kailangan kasi natin ng pera para matugunan ang COVID-19 pandemic.

***

Talaga  namang nakakaawa na ang kalagayan ng ating mga doktor, narses at iba pang medical frontliners.

Marami na ang nag-buwis ng buhay para lang mabuhay ang mga kababayan nating nagkakasakit ng COVID-19.

Marami ang hindi umuuwi sa kani-kanilang pamilya.

Takot kasi silang mahawa pa nila ang kanilang mga mahal sa buhay kung sila'y may COVID-19 na.

Ang iba nga ay nagmamakaawa na ibalik na ang ECQ sa kani-kanilang lugar dahil sa dumadaming kaso ng COVID-19.

Hindi naman basta pumapayag ang gobyerno dahil bugbog na bugbog na ang ating ekonomiya.

Dapat balansihin ng gobyerno ang kalusugan ng tao at kalusugan ng ekonomiya.

Marami ng nawalan ng trabaho dahil wala namang kita ang mga negosyo.

Noong nagluwag ang gobyerno ay dumami naman ang kaso ng COVID-19.

Kung hindi naman ito ginawa ng gobyerno eh siguradong patay na ang marami pang negosyo.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan. )