Cayetano, “nasopla” ni PDuterte

BAGO ang lahat, mainit munang pagbati sa ating kaibigan na si ‘soon-to-be’ MGen. Boyet Burgos, bilang bagong ‘commanding general’ ng 2nd Infantry ‘Scout Ranger’ Division ng Philippine Army.

Dapat ay kahapon, Lunes, ginanap ang ‘formal turnover ceremony’ nila ni BGen. Elias Escarcha sa Camp Mateo Capinpin, Tanay, Rizal; nagkaroon ng ‘last minute change of schedule’ kaya ginanap ang seremonya noong Biyernes.

Congrats, ulit, Gen. Boyet and may the division under your leadership soar to greater heights!

Always remember, pulos “matitikas” ang mga pinalitan mo sa puwesto na pawang gumawa ng kasaysayan sa Phil. Army, tama ba, Ambassador-General Alexander Yano, Major-General Fernando Mesa, General (Brother) Jorge Segovia, Gen. Roland Detabali, Gen. Jessie Dellosa, among others, hehehe!

In other words, Gen. Boyet, may you be inspired by the shadow of their successes!

At oops! Salamat din kay AFP chief, Benjie Madrigal at sa BOG (Board of Generals), for giving their younger colleague a chance to prove his worth!

Mabuhay ka ulit Gen.Boyet at salamat pa rin sa imbitasyon! “Sa uulitin,” hane, hehehe!

At siyempre, belated happy birthday din kay Gen. Rainiel Ramiro na “galing” din sa 2ID bago nagretiro at ngayon ay “DCI”— deputy commissioner for intelligence— sa Bureau of Customs.

Salamat din sa ‘pre-birthday cake’ mo noong Biyernes! But next time, “samahan” mo na ng “papaitan,” hane, hehe!

***

Hindi awtorisado ni Presidente Rodrigo Duterte ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation na patakbuhin ang 30th Southeast Asian Games (SEA Games).

Ang PHISGOC, mga kabayan, ay masasabing ‘private initiative’ pala ni ex-DFA secretary at losing vice presidential candidate, Alan Peter Cayetano.

Sa isang interview sa kanya noong Huwebes, sinabi ni Pang. Rody na hindi niya pinapayagan ang PHISGOC na kunin mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang pag-host ng biennial regional multi-sport event.

“I have to be responsible for this. Give (the SEA Games) to government,” ang naging tugon ng Pangulo nang tanungin siya tungkol sa kung ano mangyayari sa agawan sa pag-host ng SEA Games.

“Government is the most interested in winning the medals. That PHISGOC Foundation only muddles up the issue.

“So many fingers are dipping into the hosting. It should only be government. I want just one, just the government,” pagbibigay-diin ng Presidente.

Ang SEA Games ay nakatakdang isagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa – kabilang ang New Clark City kung saan gagawin ang athletics at swimming events – mula November 30 hanggang December 10 ng kasalukuyang taon.

Matapos ang kaguluhan sa Marawi at pagtiyak ng gobyerno sa pagsasaayos ng lugar ilang taon na ang nakalilipas, pinayagan ng SEA Games Federation ang Pilipinas na mag-host ng SEA Games sa pamamagitan ni noon ay POC President Jose “Peping” Cojuangco.

Kinutsaba, ehek, kinausap naman nitong ‘dearest uncle’ ni Noynoy si Cayetano na noo’y Department of Foreign Affairs (DFA) secretary para sa pagkakaroon ng PHISGOC.

Sa nalaman pa natin, sa orihinal na PHISGOC, si Cayetano ang tumayong chairman habang co-chairmen niya sina PSC Chief William “Butch” Ramirez at Cojuangco.

Nang matanggal si Cojuangco bilang POC president, hinirang na bagong pinuno si Ricky Vargas na nakipag-partner kay Cayetano.

Binuo nina Vargas at Cayetano at ipinasok sa Securities and Exchange Commission ang bagong PHISGOC kung saan wala nang representasyon ang gobyerno at naalis din si Ramirez subalit isinama ng dalawa ang mga sarili nilang tao sa komposisyon ng foundation.

Anila, trabaho ng PHISGOC ang mangalap ng pondo mula sa pribadong sektor..

Kahit wala sa kanyang mandato bilang kalihim ng DFA, humingi si Cayetano sa gobyerno ng P7.5 bilyong pampondo sa SEA Games.

Sa aprubadong 2019 national budget, P5 bilyon lang ang inilaan para sa SEA Games subalit hindi napunta sa kanilang pribadong grupo, bagkus sa PSC.

Kahit karapatan ng PSC na gastusin ang halaga para sa sports, mariin itong kinuwestiyon ni Cayetano. Sa kabila nito, mula siyang nanghingi ng P1 bilyon kay PDU30 at kahit pinagbigyan siya ng Presidente, sa PSC pa rin inilagak ang pera.

Kinukuwestiyon ng executive board ng POC ang bagong buong pribadong PHISGOC ni Cayerano at sinasabi nila, hindi raw nila kailan man kikilalanin ito.
Kung sa bagay, si PDU30 nga, “ayaw kilalanin” ang grupo ni Cayetano, ang PSC at POC pa kaya, hehehe!
Abangan!