Dapat talaga ‘economic sabotage,’ Comm. Jagger

ISA na namang malaking “bulto” ng mga asukal na higit P60 milyon ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Subic. At mismong si Comm. Jagger Guerrero, kasama si Coll. Marites Martin, ang nanguna sa ‘public viewing’ ng mga ito noong nakaraang Biyernes.

Natutuwa naman tayo, mga kabayan, na ‘receptive’ sa ating panukala si Comm. Jagger na “turuan ng matinding leksyon” ang mga nasa likod ng nabigong ‘smuggling attempt.’

“Correct ka, Paul. Dapat mas mabigat na parusa,” ang sagot pa sa atin ni Comm. Jagger, nang ipunto natin na bakit ‘misdelaration’ lang ang isasampang kaso dito sa may-ari at ‘customs broker’ ng kumpanyang ‘JFRP International Trading’ na nasa likod ng bagong pagpapalusot na ito?

Ang ‘misdeclaration,’ mga kabayan ay nasa Section 1401 ng CMTA at siyempre pa ay isang ‘bailable offense’ na “pinagtatawanan” na lang ng mga smuggler, kaya walang natatakot na “magpalusot” kahit palagi silang “natitimbog,” sa totoo lang.

Ang “panukala” kasi natin, bakit hindi gamitin ng BoC ang probisyon ng RA 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016) kung saan ‘life sentence’ at ‘no bail’ ang parusa dahil kasong ‘economic sabotage’ ang katumbas nang walang tigil na pagpapalusot ng mga ‘agricultural products’ katulad ng asukal at bigas.

Naniniwala tayo na kapag nalaman ng mga smuggler hindi na lang ‘slap in the wrist’ katulad nitong ‘misdeclaration ang kasong “nakaabang” sa kanila at bagkus ay kasong “walang piyansa” katulad nitong ‘economic sabotage,” kahit ‘yung mga “nakasandal sa pader” eh, “magdadalawang isip” bago gumawa ng “kalokohan.”

Abangan!

***

“HINDI tamad ang mga Filipino skilled workers.”
Ito ang naging diin ni ex-DPWH undersecretary, Romeo Momo, na ngayon pala ay kandidato sa Kongreso dala ang “bandila” ng partidong ‘Construction Workers Solidarity’ (CWS) Party.

Kung matandaan, “inulan” ng batikos si Ramon ‘Mon’ Tulfo sa napakalawak na hanay ng samahan ng mga obrero matapos magkomento na “tamad” ang mga Pinoy, partikular na ating mga ‘construction workers.’

At dahil “tamad,” “ayos” lang na mapunta sa mga dayuhan, partikular, na sa mga ‘Chinese workers,’ ang mga trabaho dito sa atin, partikular na sa ‘Build, Build, Build program’ ni Pang. Digong na pulos ‘skilled construction workers’ ang kailangan.

Kung “alam” naman ni Mon Tulfo ang kanyang sinasabi, hindi natin alam bagaman ang “nasisiguro” natin, “alam na alam” ni Engr. Romeo Momo ang kanyang sinasabi, hehehe!
Dangan nga kasi, bilang mataas na opisyal ng DPWH, pulos obrerong Pilipino ang kanyang “kasalamuha” sa kanyang mahabang panahon bilang lingkod-bayan kaya mas nasa posisyon siya na magbigay ng komento kung tamad nga ba o hindi ang manggagawang Pilipino.

Kung babalikan pa rin, sa kasagsagan ng ‘petro dollar boom’ sa Gitnang Silangan (Middle East) noong dekada ’70 hanggan sa unang bahagi ng 2000, sino ba ang mas ‘sought after foreign skilled workers’ sa Middle East? Hindi ba ang mga Pilipino?

Mula noon hanggang ngayon, sino ba ang “bumubuhay” sa atin ekonomiya dahil sa ipinapadala nilang ‘remittance,’ hindi ba ang mga OFWs? Eh, paano naging “tamad” ang manggagawang Pinoy, aber?

At sa mga istrukturang pinapakinabangan natin ngayon, mula sa mga kalsada, tulay, bahay, matataas na gusali at iba pa, kaninong lakas-paggawa ba ang ginamit para maitayo lahat ito?
Subalit dahil nga patuloy sa “pag-ikot ang mundo,” may mga pagbabago na kung hindi matutugunan ay posibleng maging “problema” ng mga Filipino skilled/construction workers.

Sa Middle East halimbawa, nagsisimula nang “maramdaman” ang “epekto” ng kanilang ‘Arabization policy’ kung saan “ibinibigay” na sa kanilang mga kapwa-Arabo ang mga trabaho na dati-rating nasa kamay ng mga OFWs.

Sa iba pang larangan, malaking epekto na rin sa pagbaba ng ‘demand’ para sa mga OFWs ang pagsigla ng ekonomiya ng China at ang pagtaas ng ‘skills level’ ng mga manggagawa nito.

At malaki rin ang “tama” ng obserbasyon...

DAPAT-- HEAD ng CWS na...  “napag-iwanan” na ang ating mga manggagawa kumpara sa mga Chinese workers... na... ang kaalaman at...  abilidad ay... “sumasabay” sa nagbabagong panahon at teknolohiya.

Pansin pa nga ni Engr Momo, kung ang mga Chinese workers ay “sanay” na sa mga modernong kagamitan, ang ating mga obrero, “bihasa” pa rin sa paggamit ng martilyo at estilong “mano-mano,” ahahay!

Kumpara rin sa mga Chinese workers na mayroong ‘specialization’ sa ano mang trabaho, ang ating mga manggagawa, aba’y estilo pa rin na, ‘Jack of All Trades But Master of None,’ kaya kung “palpak” o naging “mabagal” ang resulta ng trabaho, hindi na ito dapat ipagtaka.

Nakalimutan kasi natin na sa “espesyalisasyon,” ang resulta ay mas mabilis, mas maganda, mas matibay at mas mura na mga proyekto.

At dahil kinikilala ng CWS ang mga naging “kahinaan” na ito ng ating mga construction workers, balak nilang isulong ang pagkakaroon ng mga ‘regional construction training centers’ (RCTC) sa buong bansa upang matulungan ang ating mga manggagawa na muling maibalik sa ‘world-class level’ ang kanilang galing at abilidad, yeheyy!

“Mabigyan ng dignidad at tamang pagkakakitaan ang construction worker natin ang long term goal namin,” sabi pa ni Usec. Momo.

Sa kanya namang tinuran, ang sagot natin ay… eh, di… wow!
Abangan ulit!