Dilaw gumimik na naman!

SINIRA na naman ng tropang dilaw ang tema ng Les Miserables na pamosong broadway show.

Ang kuwento nito, mga taong inapi, bumangon at lumaban sa pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan.

Ang taas ng kredibilidad ng mga karakter dito dahil talagang laban ito ng mga dinustang mamamayan.

Pero itong bagong pakulo ng dilaw headed mga  certified LP endorser, videoking, at ang "Ambassador of Goodwil"  na nagwala condo.

Naglabas sila ng music video na may temang babangon at dudurugin ang panunupil ng makapangyarihan.

Kahit hindi nila nilagyan ng label, alam naman natin na ang tungo talaga ng mensahe at ng  galit nila ay dahil sa pagkabigo ng ABS CBN na makakuha ng prangkisa.

Kung mayroong direktor sa galaw na ito, alam na ng publiko kung sino.

Ang mas malaking problema ng nagpanggap na inapi gamit ang Les Miserables theme, hindi sila marunong manindigan sa totoong mga maling nangyayari sa ating bayan kung iyon nga ang gusto nilang sabihin.

Unang-una, karamihan sa nasa music video, kung hindi certified dilawan, sila rin iyong one way  or another ay bahagi ng yellow cult.

Kung talagang gustong tumayo para sa bayan ng mga taong ito, bakit ngayon lang sila bumangon mula sa kanilang pagkakahimlay? Na-bed sore ata!

Nagtulug-tulugan kasi sila nang pumutok ang P247 billion na Disbursement Acceleration Program na illegal tinapyas sa national budget para ipangsuhol sa mga mambabatas na nag-impeach kay Chief Justice Renato Corona noong Aquino admin.

Ang mga taong ito rin ang naghihilik habang pinapatay ng mga bandido ang mga kagawad ng PNP Special Action Force na tinaguriang SAF44.

Tulog-mantika rin ang mga impostor na "Les Miserables" nang magpabaya ang Aquino administration nila sa daan-daang libong kababayan nating hinagupit ng bagyong Yolanda. At wala rin silang kibo sa housing unit para sa mga biktima na gawa sa karton ng gatas at kawayan pero milyon ang presyo!

Wala rin silang ganitong music video na galit habang ang libu-libong musmos  ay nagkandamatay dahil naturukan ng experimental drugs na dengvaxia ng Aquino admin.

Sa mga panahon ng dilaw admin nila naging sampu singko ang carjacking, akyat-bahay, masaker, cellphone snatching at riding in tandem. Wala rin silang music video ng pakikibaka para wakasan ang krimen.

Dinuktor pa nga ng PNP ang crime statistics noong mga panahong iyon, remember?

Parang natural commodity lang ang drugs noong panahon ng dilaw admin nila subalit wala tayong nakita kahit isang nota na  bumatikos man sa kanila. Ibang nota ang nakita natin!

Tanda nyo naman siguro ang tanim bala scheme na naging international shame ng bansa mula 2014 hanggang 2016. Yes, panahon nyo rin nila iyon na wala silang kibo kasi admin nila ang mapapahiya.

Sobrang dami ng kahihiyan, pang-aapi at pambababoy ng admin nyo noon na kukulangin ang lahat ng pahina ng diyaryo namin kung atin pang iisa-isahin!

Ngayon, itanong ko lang, anong nakain nyo bakit biglang nag-aamok kayo sa pagkawala ng ABS CBN? At ginagamit nyo ng isyung ito para magpasiklab ng rebolusyon. Dalawa lang yan, kung hindi nagpapansin, sobrang desperado na sila dahil apat na taon na si Pangulong Duterte pero 83% pa rin ang trust at approval rating!

Teka nga pala, mula 2014 na panahon nyo rin iyon at dapat naaprubahan na ang bagong prangkisa ng dos sa ilalim ng Aquino admin,  pero ano ang nangyari?

Suggestion lang, doon muna kaya kumanta sa harap ng bahay ni Noynoy sa Times Street sa Quezon City bago mai-convert sa sex video ang ginawa nyong  pagsira ng Les Miserables theme!

allanpunglo@gmail.com