Hindi dapat balewalain ang nangyayaring tag-tuyot!

April 03, 2019

KAGAYA ng iligal na droga, nandiyan pa rin ang korapsyon at katiwalian sa ibat-ibang opisina ng gobyerno.

Kabilang na dito ang Bureau of Customs (BoC).

Sa gobyerno, hindi madaling magtanggal ng empleyado, lalo na kung may mga civil service eligibility.

Ang mga tatanggaling permanenteng empleyado ay kailangang dumaan sa tinatawag na due process.

Kung hindi ay baka ang  magtatanggal na opisyal pa ang mademanda at siya ang masipa sa serbisyo.

Ang due process ay naglalayong protektahan ang mga lingkod-bayan laban sa mga abusadong opisyal.

Ang due process naman ang ginagamit na armas ng mga tiwali at korap para hindi sila basta maalis sa serbisyo.

Kagaya sa Aduana, may mga taga-BoC pa ring nagpapahirap sa mga importer at broker pero hindi makapalag dahil takot na baka lalo silang pahirapan.

Ang resulta? Tuloy ang ligaya ng mga ganid na opisyal.

Pero naniniwala tayo na aabutin din sila ng tinatawag na “long arms of the law.”

Alam natin na ginagawa lahat ni Commissioner Rey  Guerrero para malinis ang Aduana.

Marami ang naniniwala na kayang-kaya nina Sir Jagger at Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro na i-unmask ang mga tiwali at korap na taga-BoC.

Of course, sa tulong ng mga nahihirapang importer at broker.

Huwag kalimutan ng mga bugok na itlog sa Aduana na may katapusan ang lahat.

Baka ang katakawan niyo sa pera ang mitsa ng pagbagsak niyo sa “kumunoy” ng walang hanggang pagsisisi.

Huwag niyong kalimutan na ang tatlong kinamumuhian ni Pangulong Rody Duterte ay illegal drugs, korapsyon at kriminalidad.

Nais niyang ma-address ang mga problemang ito bago matapos ang kanyang termino.

Matatapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

Kaya kayong mga mandurugas sa pantalan, huwag niyong subukan ang mga bagong “Batman and Robin” ng  Aduana.

No match kayo kina Sir Jagger at Sir Raniel.

* * *

Ang nangyayaring tagtuyot sa maraming lugar sa bansa ay isang wake-up call sa ating lahat.

Tigilan na natin ang pagkalbo sa mga kabundukan at walang pakundangang pagputol ng mga punongkahoy.

Pati mga puno at halaman na nakapalibot sa mga dam na pinagkukunan natin ng tubig ay pinuputol.

Ang kailangan natin ay reforestation at hindi deforestation.

Tigilan na natin ang pagpatag sa mga kabundukan para gawing subdivision o resort.

Huwag natin pabayaang maging disyerto ang maraming parte ng bansa.

Ano na lang mangyayari sa atin kung lahat ng ilog, lawa at iba pang bodies of water ay matuyo?

Nakakalungkot at nakakatakot.

Okay lang siguro sa mga mayayaman pero masama sa mga nakakaraming mahihirap.

Babala na ito para tayo’y magbago na.

Hindi dapat balewalain ang nangyayaring tagtuyot.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tunawag mo mag-text sa #0921-

4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.vom. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahaan.)