I-quarantine sa impiyerno ang mga demonyo sa Maynila!

February 19, 2020

HINDI ko maipaliwanag ang aking pakiramdam sa nakita kong lapnos na braso at paa ng lalaking nagtitinda ng Valentine’s balloon sa Maynila.

Lahat siguro tayo ay nakita ang ginawa ng mga tambay sa balloon vendor. Salamat sa CCTV. Nananahimik na nagpapahinga ang vendor tapos biglang sisindihan ng kanyang tinda.

Habang sumasabog ang mga lobo at nagliliyab ang mga braso ng vendor, iyong tatlong tambay ay masayang-masaya na tumatakbo.

Ito iyong typical na senaryo ng markang demonyo vs archangel. Ang huling balita, nakilala na ang mga tambay at ang vendor naman ay nasa ospital pa rin dahil sa tinamong sunog sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Naglikom ng pera ang mga magulang ng tambay na umabot sa P35,000 para maging settlement. Hindi na magsasampa ng kaso ang vendor.

Maliit na pera ito para sa mga nakakariwasa sa buhay pero malaking bagay ito sa isang vendor. At malaking bagay din ito sa pamilya ng pitong gagong tambay na tiyak nag-ambagan ng tig-P5,000 ang bawat isa sa kanila para mabuo ang P35K.

Ang gusto nating puntusan, anong klaseng mga halimaw ang gumagala sa Maynila para magawa ito sa isang naghahapbuhay na dukha? Dahil nagbayad na sila ng danyos, lusot na sila?

Hindi ba puwedeng ikulong sila sa drum at buhusan sila ng gasolina bago silaban? Kapag lapnos na ang buong katawan nila, patayin na natin ang apoy para sabuyan naman natin ng iodized salt!

Tapos ako na magbibigay sa kanila ng P35,000 para mabawi nila ang  tig-P5,000 na ibinayad nila sa balloon vendor na nilapastangan nila.

Hindi natin matatanggap ang barbaric act ng mga tambay na ito kaya kung puwede lang ay i-quaratine sila sa impiyerno para hindi na makahawa pa.

Kaya nga hindi natin masisi si Pangulong Duterte sa pagwawalis sa mga drug addict at tambay sa kalsada dahil sa ganitong mga pangyayari. Maraming komunidad ang nagpapasalamat sa ginawang ito ng Presidente pero mukhang hindi pa nawawalis ang Maynila.

Teka nga pala, bakit wala tayong naririnig sa human rights para kupkupin ang vendor at kondenahin ang demonyong tambay?

Hindi na dapat nakakalabas ng bahay ang mga taong ito dahil mas maraming pinsala pa ang kaya nilang gawin sa kanilang kapwa kapag napabayaan silang gumala.

Ang problema natin, may juvenile justice law si Kiko Pangilinan kaya bawal din ikulong ang ilan sa mga tambay na minor. Kaya nga ang best choice talaga, silaban na rin sila para mabigyan naman ng katarungan ang ginawa  sa pobreng vendor.

Kung palalabasin naman sila sa kalye, magpabaga muna tayo ng bakal na ileletra sa noo nila na ganito ang nakasulat: anak ni Satanas, huwag tularan!
allanpunglo@gmail.com