Isabatas na ang ABS-CBN franchise bill!

February 28, 2020

KAPANSIN-PANSIN na ginagawa lamang milking cow ng ibang mambabatas ang ABS-CBN sa paghingi ng prangkisa.

Habang umiinit ang tanong kung dapat ba o hindi dapat magkaroon ng bagong 25 years franchise ang Dos, kaliwa’t kanan naman ang galaw ng ibang mambabatas na mukhang  hostage ang istasyon.

May mga mambabatas na nagsusumite pa ng House Resolution para sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN. Iba-iba rin ang kanilang mga sinasabing senaryo pagkatapos mapaso ng franchise sa March 30 or May 4, 2020.

Una, hindi ba alam ng mga mambabatas na ang House or Senate Resolution ay isang toothless tiger?

Pangalawa, alam din ba nila na ang isang resolution ay isa lamang pirasong papel na puwedeng ipambalot ng tinapa o dalhin sa toilet?

Huwag na nating paglaruan ang ABS-CBN, Mr. Lawmakers dahil ang isang resolusyon ay isa lamang expression of sentiments at walang legal standing and valid legitimacy sa totoong buhay.

Aprubahan nyo lamang ang batas, tapos na ang boxing.

Sa istriktong usapan, totoong may mga paglabag sa batas ang ABS-CBN former managemenf dahil pumanig ito sa mga kandidatong sina Grace Poe and Mar Roxas noong 2016 at inipit ang ads ni candidate Duterte para ilabas ang black propaganda. Sorry Mr. Carlo Katigbak, hindi ako aayon sa sinasabi mong sumunod lang sa batas noong 2016  ang ABS-CBN sa paglalabas ng negative ads laban kay Duterte.

Alam ko po iyon, Mr. Carlo, sobrang higpit ng ethics ng ABS-CBN sa mga ads kaya tiyak na may conspiracy para ilabas ang black propaganda.

Tanong, kung gumawa kaya ako ng ads ng sabwatang Gabby Lopez at Noynoy Aquino para ipanalo si Grace Poe or Mar Roxas noong 2016 at para lang sirain ang kandidatura ni Duterte, ilabas kaya ng istasyon? Tama na ang palusot, suportado ko na nga ang  franchise renewal, binobola mo pa kami!

Tama na yan, umaamin na nga kayo sa pagkakasala, nagpapalusot pa!

Balik tayo sa mga mambabatas, matagal nang pending ang franchise bill sa Kongreso subalit hindi nagkaroon ng committee hearing man lamang tungkol dito. Anim na taon si Noynoy na batang-sarado ng mga dilawang Lopez, hindi nyo ginawa noon!

Matagal na sanang narinig ang panig ng Dos sa isyung ito pero iyong  ibang mambabatas, nag-dribble lang nang nag-dribble sa ilang Kongreso. Hindi pa man Speaker si Alan Peter Cayetano ay nakasalang na ang maraming panukalang batas sa Kongreso pero hindi nila inaksiyunan.

Iyong ibang mambabatas na busy sa grandstanding ngayon, matagal na silang kongresista at ang totoo, kapanalig pa sila ni dating Pangulong Noynoy pero wala man lang sa kanila ang kumilos para aprubahan na ang prangkisa noon pa man.

Ngayong uminit ang isyu at may problema sa Presidente, tsaka sila nagkukumahog at nagpapasikat para mapansin ng Dos!

May mga mambabatas na ubod ng hina ang kaisipan dahil ginagamit pa ang press freedom at ang mga empleyado para isulong ang prangkisa. Para namang hindi sila nakakapanood at nakakarinig ng mga balitang pro at anti Duterte admin sa Dos at sa ibang media outfits.

At huwag nyo nang gamitin ang 11k employees dahil marami rin namang empleyado ang sinibak ng Dos arbitrarily sa mga nakaraan kaya hindi dapat isangkalan ang mga manggagawa. Remember, nagkaroon pa nga ng barikada ang mga manggagawang nasibak sa harapan ng ABS-CBN sa Sgt. Esguerra sa QC noong mga panahong iyon.

Doon tayo sa totoong isyu, dapat bang ma-renew ang prangkisa? Ang sagot ko ay dapat lamang dahil naniniwala akong hindi tamang patawan ng death penalty ang isang nagkasalang multa o life lang ang hatol.

Puwede namang itama ng present management ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak ang mga naging pagkakasala ng Gabby Lopez management na ayon sa balita,  ay alyas Boy Kano pala!

Tigilan na ng mga mambabatas ang pagpapasikat, pagtibayin nyo na ang franchise bill para matigil na ang kaguluhan sa isyung ito.

Yes to ABS-CBN franchise and no sa mga nagpapasikat na mambabatas. Tama na Poe yan!

allanpunglo@gmail.com