Jose ‘Doc Joey’ Betito pareho ni Pres. Duterte

KUNG prinsipyo at serbisyo ang pag-uusapan, tapos na ang laban para sa board member ng unang distrito ng Albay.

Nangunguna  sa mga kandidato na gustong magserbisyo ng totoo si Joey ‘Doc Joey’ Bermundo Bibon Betito.

Ilang taon nang pinamalas ni Doc Joey ang kanyang ginintuang puso para sa mga nangangailangan. Bilang CEO, founder at chairman ng Miracle Health Corporation ay di na mabilang ang gumaling at guminhawa sa kanyang kalinga, mga payo at de kalidad ng mga produktong pampagaling at pampalakas ng katawan.

Makikita ang likhang kabutihan at pagiging responsableng haligi ng tahanan ni Doc Joey  simula sa kanyang pamilya.  Napanatili nyang buo, masaya, masigla at matagumpay ang kanyang pamilya na binubuo ng kanyang tapat na maybahay na si Angela at mga anak na sina Joan, Josephine, Jose Betito Jr at Jennifer.

Ika nga, ang kanyang pamilya ay ginintuang patunay na si Doc Joey ay karapat-dapat ding maging ama ng iba pang Bikolano bilang board member ng first district ng Albay.

Bilang PIO Region 5 and District Chair,  1st District of Albay ng Pederalismo Ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) na pinangungunahan ng kanilang president na si Com. Greco Belgica, marami ang pagkakapareho ni Doc Joey sa leadership style at mga adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Katulad ni Duterte, ang puso ni Doc Joey ay nakalaan para sa kapakanan ng masa, lalong-lalo na ng mga nangangailangan. Katulad din ng Pangulo, si Doc Joey ay isang ‘action man.’ Tinutupad niya lahat ng kanyang pangako at sinisigurado niyang lahat ng programa at advocacies niya ay nakakatulong sa mas nakakarami.

Ilan sa mga obhetibo ni  Doc Joey ay ang palawakin ang edukasyon sa barangay sa pamamagitan ng ALS at TESDA; isulong ang natural medicine para sa lahat;  at palawakin ang asistensiya para sa senior citizens at isama ang diskwento sa natural medicine at dagdagan ang pension sa umaabot sa 100 years old.

Katulad rin ni Pangulong Duterte, si Doc Joey ay makamasa at mahal ng lahat -- bata man o matanda, babae o lalaki, LGBT at maging ng iba’t ibang sektor.  Lahat ng klase at estado ng mamamayan ang kanya nang nakasalamuha, naging kaibigan at natulungan sa kanyang pagiging health educator ng natural medicine ng higit sa 20 taon; pagiging radio broadcaster sa DZRH/RH TV 666 khz, PBN DZBG 729 khz, Zagitsit 100.3 khz;  founder, bilang chairman ng Miracle Health Corporation; general manager ng Dorotea Resort and Spa;  civic leader ng Rotary Club of Pasay West, Knights of Columbus 13298 at Action Bicolnon at kung anu-ano pa.

Pag naging board member ng unang distrito ng Albay si Doc Joey, nakakasiguro ang mga Albayanon ng mala-Duterteng pagbabago na positibo. Bukod sa mas magandang kalusugan, makakaasa ang kanyang mga kababayan ng tuloy-tuloy na kaunlaran, kapayapaan at walang hanggang kasiyahan.

Para sa inyong kumento at suhesitiyon mag-email sa tesslardizabal@yahoo.com o mag-text sa 09173154115.