Kooperasyon ng lahat ang kailangan

HINDI na biro ang nangyayari sa ating bansa at sa buong mundo.

Sa mahabang panahon, ang Pilipinas ay hindi pa dumanas ng ganitong klase ng imported virus dahil kilala tayong matibay sa kahit anong karamdaman.

Ngayon lang tayo naalarma ng ganitong katindi gayong sa mga nakaraang dekada, may killer tubercolosis na tayo bukod pa sa dating lumaganap na leprosy.

Sinasabi nga ng mga health experts na mas maraming namamatay sa TB at lung cancer worldwide pero hindi ito naging sanhi ng pagkaalarma nating lahat. Sa buong buhay natin, hindi pa tayo nakaranas ng community  quarantine gaya ng nangyayari ngayon sa Metro Manila.

Ang pagkakaroon ng 8 deaths at 98 cases ng COVID-19 ay kinailangan na ng extreme measures mula sa gobyerno na dapat nating sundin lahat. Habang isinusulat ko ito, may plano na ring ipatupad ang 8 p.m. to 5 a.m. curfew sa buong National Capital Region.

Huwag na nating bansagan ito na martial law, tigilan na natin ang pagpasok ng political play sa mga ginagawa ni Pangulong Duterte at ng gobyerno dahil wala nang puwang ang pagkakawatak-watak dito.

Kung hindi ito gagawin ng gobyerno, baka lalong mas masama pa ang sapitin natin dahil masyado nang malaki ang 98 cases at 8 deaths para tumunganga lang tayong lahat.

Kailangang malinaw na hindi ang mismong human mobility ang nililimitahan. Ang hinaharangan ay ang pagkalat pa ng virus na pumatay na ng maraming tao sa buong mundo.

Ang mga ginagawang ito ng gobyerno ay para sa kaayusan ng bansa at kaligtasan na rin ng lahat. Suportahan natin ang pamahalaan at ang ating mga awtoridad upang hindi na kumalat pa ang sakit.

Kailangan ng kooperasyon ng lahat sa mga itatakdang  checkpoints para wala nang senaryong mangyayari. Kung hindi talaga importante ang ating mga lakad, manatili na lamang tayo sa ating mga tahanan.

Samantalahin natin ang pagkakataon dahil maraming oras ng family bonding ang nawala sa ating lahat magmula nang isilang ang mga gadgets.

Mag-reflect tayong lahat sa mga nangyayari sa mundo, minsan pa, magbalik tayo sa Panginoon. Tingnan natin ang mga ito bilang pang-gising sa atin sa matagal nating pagkakatulog.

Keep on praying.
allanpunglo@gmail.com