Mas dapat hangaan sa halip kainggitan si Jimkee Pacquiao!

HINDI pulitiko pero asawa ng mambabatas kaya naman hindi rin nakaligtas sa mga mapanuring mata ang maybahay ni Senador Manny Pacquiao na si Jinkee.

Trumending kamakailan si Jinkee sa social media makaraan itong tawaging "insensitive" ng singer/actress na si Agot Isidro dahil sa pagpo-post ng mamahaling bisikleta.

Sa kanyang instagram post, ipinakita ni Jinkee ang luxury bikes nilang magasawa na ikinairita ni Isidro at ipinaalalang marami ang walang trabaho sa panahon ng pandemya kaya't dapat aniya silang maging sensitive.

Sa halip na makipagbakbakan, tanging bible verse naman ang naging sagot ng asawa ng Pinoy boxing champ na nagsasaad ng  “Do not judge others, and you will not be judged. For you will be treated as you treat others.”

Hindi naman nakapagpipgil ang business manager ng mga Pacquiao na si Arnold Vegafria at sinagot si Agot sa pagdiriin na anumang ang yaman na mayroon ngayon ang mag-asawa ay nagmula sa paghihirap at pagsisikap nila.

"What she does with her family’s hard-earned money is none of our business, because such bountiful blessings are just the fruit of her husband’s esteemed legacy as an iconic Filipino boxing legend and businessman, and are not stained in any way by graft or corruption," diin ni Vegafria.

Ipinagdiinan pa nito na nagnenegosyo rin si Jinkee kaya't mayroon din siyang mga sariling investment at sariling pera.

Mukhang bulag din anya ang singer/actress sa mga tulong na ginagawa ng mag-asawa at kanilang pamilya hindi lamang sa gitna ng Covid 19 pandemic kundi sa mahabang panahon simula nang sila ay umangat sa buhay.

Maging ang TV personality at kilalang mataray na talent manager Lolit Solis nagbigay din ng kanyang honest opinion sa isyu.

“Bongga na regalo lang pala iyong mga bisekleta na signature Hermes at LV na ikinagalit ni Agot kay Jinkee. Regalo lang naman, gusto magpasalamat ni Jinkee sa post niya sa IG, so no problem sana, eh pinatulan ni Agot, hayan na,” diin ng talent manager.

“Si Agot naman kasi lahat ng issue pinapatulan at para bang isang aktibista na nakabantay sa mga kapwa artista niya na hindi niya katulad ang paniwala,” dagdag pa nito.

Tunay na buhay pa rin sa freedom of expression and speech lalo na social media sa ating bansa.

Sa pinakahuling post ni Jinkee, nilinaw nito na ang anumang luho, karangyaan na ipinapakita sa vlog ay hindi para magyabang kundi sinusunod lamang niya ang kahilingan ng milyun-milyon nilang fans na mag-asawa.

Madalas ko nang naririnig "wall ko 'to, wala kang pake kung ano ang ilalagay ko" o kaya naman ang iba ay nagsasabi na "kung ayaw mo makita post ko, i-unfollow mo ako."

Simple nga lang naman ang mga regulasyon para sa pamumuhay ng tahimik, 'wag nating pakialaman ang post ng bawat isa sa mga social media accounts.

Sa ganang akin, walang problema sa mga ipino-post ni Madam Jinkee. Anumang kabuhayan mayroon sila ngayon ay pinaghirapan nila ito ng asawang si Senador Pacquiao.

Dapat ‘nga bilang asawa ng isa sa pinakamayamang Pinoy sa Pilipinas ay hangaan pa si Jinkee. Kasi isang mabuting ehemplo siya ng sinumang Pinay. Maraming na-link na babae kay Pacquiao noong hindi pa ito ‘born again Christian,’ ngunit nanatili si Jinkee sa tabi ng mister.

Ang lahat ng kinikita at panalo mula sa buwis-buhay na pakikidigma sa apat na sulok ng ring ay naitaguyod ni Jinkee sa maayos na pamamaraan. Higit na napagyaman  ang kanilang kabuhayan at nagtayo ng iba’t ibang negosyo na ang kapalit ay ang wala ring sawang pagbibigay-tulong sa mga mahihirap nating kababayan.

Kung ipagmalaki man ni Jinkee ang anumang meron silang mag-asawa, siguro mas makabubuting maging masaya na lamang tayo sa kanila dahil nakita naman ng lahat ang kanilang mga pinagdaanan.

Ilang Pinoy boxing champ ba ang nakita nating nauwi sa wala ang mga kinita nilang pera? Ilang artista rin ba ang nakilala ng madla na naghirap matapos mawala ang kasikatan?

Huling isyu rito ay ang nakapanlulumong sitwasyon ng multi-awarded actor na si John Regala na mula sa tinaguriang isa sa ‘bad boy’ ng pelikulang Pilipino ay nanlilimos na lang sa lansangan ngayon.

Oo, public figure ang mag-asawang Pacquiao pero hindi naman din sila nagkukulang sa pagtulong sa kanillang kapwa na kadalasan ay ginagawa nila nang wala nang media coverage.

At si Senador Pacquiao lamang ang isa pinaka-visible na senador ngayon sa pamamahagi ng tulong o ayuda sa ating mga kababayan sa gitna ng dinaranas nating pandemya.

Ang tingin ko tuloy ngayon, kung hindi inggit, masyado nang desperado si Agot Isidro dahil kahit anong pagmamalaki noong nagdaang midterm elections, hindi kinagat ng masa ang pakikipag-relasyon nito sa talunang senatorial candidate na si Florin Hillbay.

Ang resulta, ‘diretso sa inidoro ang lahat ng kapartido ng dyowa ni Agot na kung tawagin nila ay Otso Diretso!