From ‘Metro Turf’ to ‘Metro Trap?’

February 10, 2020

ISANG linggo na ngayon matapos ang huling pakarera sa Metro Manila Turf Club (Metro Turf/MMTCI), araw ng Martes at Miyerkules, sa “pista” nito sa Malvar, Batangas.

‘Yun nga lang, hanggang ngayon, marami pa rin sa “Bayang Karerista” ang “masama” pa rin ang “panlasa” dahil “pakiramdam” nila, ‘na-scam,’ ehek, “nasindikato” na naman sila, aguy!

Oops! ‘To be fair,’ wika nga, alam ng mga kaibigan natin sa industriya ng karera at kahit ni Dr. Norberto Quisumbing Jr., ang “orihinal” na may-ari ng Metro Turf, na malaki ang ating paghanga at respeto sa kanyang karerahan.

Katunayan pa nga, sa aking inisyatiba, bilang ‘in-charge’ sa pagkalap ng pondo para sa National Press Club (NPC), dalawang edisyon ng ‘Annual NPC-PHILRACOM Benefit Race’ ay dito natin ginanap sa Metro Turf.

‘Yun nga lang, mga kabayan, noong Disyembre 2018, “sinabihan” ni Dr. Quisumbing ang PHILRACOM (Philippine Racing Commission) na ‘temporary stop’ sa operasyon ng MMTCI pagpasok ng 2019 dahil sa malaking pagkalugi nito.

Kung sa bagay, bukod sa masamang epekto ng ‘TRAIN Law’ sa buong industriya ng karera, hindi naman nasawata ng Games and Amusement Board (GAB) ang iligal na “kalaban” ng mga karerahan, una na rito ang ‘bookies’ (na karamihan sa mga operator at protektor ay mga pulis) at, ang ‘Online Sabong’ na sa ngayon ay mas malaki ang ‘gross bet collection’ kumpara sa karera ng kabayo—pansinin na lang ang araw-araw na‘online sabong’ partikular sa Maynila, Pasay at Quezon City, hehehe!

Bagaman, “mabilis” na “binawi” ni Quisumbing ang kanyang anunsiyo at hindi nagsara ang karerahan. ‘Yun naman pala, nagkaroon ng “negosasyon” sa panig ng MMTCI at ilang grupo ng mga “negosyante” na siyang “sumalo” at “humahawak” na ngayon sa ‘operation and management’ ng Metro Turf.

“Sino” naman ang bagong grupo na ito, ito ba ang tanong ninyo, Senate games and amusement committee chairman, Sen. Lito Lapid, Sen. Christopher ‘Bong’ Go ng Committee on Sports at Sen. Richard ‘You-Know-Me’ Gordon ng Senate Blue Ribbon Committee?

Eh, sino pa, kung hindi… ang mga grupo ng horse race owners, mismo!

Kumbaga, “kanila” na ang mga tumatakbong kabayo, pati karerahan, kanila pa rin, yeheyy!

Eh, “nabawasan” naman ba ang masamang epekto ng “bookies” at ‘online sabong’ dahil sa pangyayaring ito? Sa “tingin” ng mga miron, hindi rin dahil bukod sa mistulang “inutil” itong GAB ni Chairman Baham Mitra, isa sa malaking ‘investor’ dyan sa MMTCI—ayon pa sa mga miron— eh, notoryus din bilang operator ng online sabong na mga “makina” mismo ng karera ang ginawang ‘betting stations,’ yeheyy!

Eh ano naman ba ang nangyari noong nakaraang linggo, aber?

Aber, sa karera noong Martes, Pebrero 4, 2020, hindi halos makapaniwala ang Bayang Karerista sa matinding dayaan, eheste, “dehaduhan” na nangyari, ahahay!

Eh, mantakin ninyo, sa ‘exotic betting’ na ‘daily double plus one (dd+1) mula ‘Race 4’ hanggang ‘Race 6,’ ‘no winner’—pero may ibinigay na dibidendo at may tumama pa sa WTA, talaga rin naman, hehehe!

Kumbaga, sa libu-libong miyembro ng Bayang Karerista, wala kahit isa sa kanila ang nakakuha sa kombinasyon na “7-1-5” (Prince Jolo, El Mundo at Damong Ligaw)” – pero may “consolation prize” naman bigla, hihihi!

At kung sa kumbinasyong ito eh, “naubos” na ang taya, aba’y talagang kagulat-gulat na pagkatapos ng huling karera, ‘Race 7,’ may “2 winners” pala, na “nag-uwi ng tig- P880,528.80 bawat isa, yeheyy!

Sumunod na araw  ng Miyerkules, mga kabayan, ay nag-carryover’ na ang WTA, dahil napansin ng mga miron, katulad noong Martes, ‘yung mga inaasahang mananalong kabayo, aba’y biglang-bigla, tumakbo nang wala sa kanilang “pruweba.” Anyare?

At siyempre, masyado nang “garapal” kung may mananalo na naman kaya ‘nag-carryover,’ ganun kaya ‘yun, hehehe!

Kung “perder” o “biyahe” ang mga ‘outstanding favorites’ dahil ito ang gusto ng mga may-ari ng kabayo (na marahil ay gustong “sumalikwat), sila ang makakasagot nyan, tama ba, PHILRACOM chairman, Andrew Sanchez at Executive Director Andrew Mangubat Buencamino?

Sabagay nga, ‘open secret’ naman sa karerahan na hindi ang mga ‘jockeys’ (hinete) ang may desisyon kung “biyahe” ang “sakay” nila bagkus, ang mga may-ari ng kabayo.

Eh, paano ngayon kung “nasindikato” ang karera, Sen. Lito Lapid at Sen. Dick Gordon, hindi ba?

Paano na ang mga hamak na kasapi ng Bayang Karerista na bukod sa naglilibang ay naniniwala na may “laban” ang taya nila dahil “parehas” naman ang bawat takbo ng karera.

Kaya nga, dapat na sigurong “mahiya” ang ‘management’ ng MMTCI dahil “madalas” na nating marinig ngayon na tawagin ang ‘Metro Turf’ bilang ‘Metro Trap’ kung saan “”trapped” ang pusta mo kung hindi ka “miyembro” ng sinasabing “sindikato.”

“Oops! Teka lang,” ang maaring sagot sa atin ng ilang mga “magagaling” sa karera.

Mayroon nga namang ‘Board of Stewards’ (BOS) mula sa PHILRACOM upang tiyakin na “parehas” ang bawat takbo ng karera sa tatlong pista ngayon—MMTCI, PRCI at MJCI.

Eh, panukala naman natin? “Ipasuri” siguro ni Chairman Andrew S at kaibigang Andrew B ang mga “mata” ng kanilang BOS at “painumin” din siguro nila ng “tubig ng baterya” para sa “lakas-loob na tumatagal,” hahaha!

Dangan kasi, “tamang hinala” ang Bayang Karerista na ‘beholden’ o “natatakot” ang BOS sa mga milyonaryong may-ari ng kabayo dahil sa lawak at lalim ng impluwensiya ng mga ito.

Eh, hindi malayong mas “matindi” ang impluwensiyang ito sa isang karerahan na “sila” rin ang may-ari, ano sa palagay mo, Comm. Manny Luna ng Presidential Anti-Corruption Commission?

At puwede ba, kung hindi rin lang kayang magbuo ng ‘WTA races,’ ikansela na muna ang karera?

Dagdagan din ang mga tumatakbong kabayo bawat karera dahil minsan, mistulang ‘barrier race’ dahil apat o limang kabayo lang ang tumatakbo—at dalawa pa sa mga ito, iisa lang ang may-ari, ano ba ‘yan, huhuhu!

Abangan!