‘Olat’ ang ABS-CBN sa mga ‘epal’ na pulitiko

KUNG gusto talaga ng pamunuan ng ABS-CBN na maipasa na ang inaasam nilang renewal ng kanilang prangkisa sa mabilis na panahon, mainam na kausapin nila, sa tulong ng kanilang mga tuta, agh, kaalyado sa Senado, ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang pakay, siyempre pa, “madaliin” na ang pagdinig sa mga nakabimbin na mga ‘franchise bills’ pabor sa kumpanya, maaprubahan na ang alin man sa mga ito at ma-transmit sa Senado para sa final approval.  

Dapat ganito ang kanilang gawin dahil malinaw ang batas— ‘no franchise, no broadcast,’ period!  

Translation? HINDI PRANGKISA ang ibinabando ng ilang mambabatas na ‘joint resolution’ na “mag-uutos” sa NTC na “bigyan” ng ‘provisional permit to operate’ ang ABS-CBN kahit wala itong prangkisa.  

Translation pa ulit? Kung kayo dyan sa Senado at Kongreso ay sandamakmak na mga ‘law violators’ at mga “ogags,” eh, huwag na rin ninyong gaguhin kaming mga ordinaryong tao, hane? We are not idiots like you, by the way, hehehe!

At sa ganitong ‘ora-de-peligro,’ mainam din na “patahimikin” ng kumpanya ang ilang mga “epal” na pulitiko na obvious na sumasakay sa isyu ng ABS-CBN at sa mga kontrobersiyang kaugnay nito, partikular ‘yung mga pulitiko na sila mismo ay may ‘credibility problem.’  

Sa kanila kasing “pag-epal,” hindi tayo nagtataka na magpahayag ng pangamba ang maraming grupo at indibidwal na sumusuporta sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN— dahil na rin sa ganitong mga pulitiko. Oo nga naman, hehehe!

Isa sa mga pulitikong tinutukoy ng mga taga suporta ng ABS-CBN ay ang bagitong si ‘Ang Probinsyano’ party list Cong. Alfred delos Santos, aka, “Boy Sapak.”

Matatandaang umani ng batikos si Cong. Boy Sapak, noong isang taon, ilang araw pa lang matapos naupong mambabatas noong nakaraang Hulyo matapos kumalat ang video ng ginawa niyang pananapak sa isang kawawang waiter sa loob ng Bigg’s Diner sa Legaspi City.

Sa viral video ay makikita na inaayos ng biktima na si Christian Kent Alejo, 20, ang mesa nina Delos Santos na noon ay sinasabing “lango” sa alak at tatlo pa niyang kasama at ng paalis na siya ay tinawag ito ng kongresista.

Sa puntong iyon ay lumingon si Alejo subalit biglang tumayo ang bagitong kongresista at sa hindi malamang dahilan ay “sinapak” niya ang biktima, nye!

Ang “hirit” tuloy ni Emily Sandoval ng grupong ‘People for Empowerment and Truth’ (PET) na sumusuporta sa ABS-CBN:

“Sana naman ay huwag ng makialam sa isyu ng ABS-CBN ang mga kontrobersyal na pulitikong tulad ni Delos Santos na may hindi magandang reputasyon dahil  malamang na maging dahilan pa ito para lalong maantala ang pag-apruba sa prangkisa.” Oo nga naman, ulit, hehehe!

At ano na nga ba ang nangyari sa “imbestigasyon” dito kay Cong. Delos Santos, aber?

Abangan!

***

At napag-usapan na rin lang ang “sapakan,” isa palang mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ang “nanapak” ng isang kasapi ng Customs Police (ESS) may dalawang linggo na ngayon ang nakaraan dahil lang sa isyu ng ‘Close all the gates, gardemet,’ hehehe, ayy, huhuhu!

Oops! Ang mas tamang “deskripsyon” ayon naman sa mga miron, “dinibdiban” ng ating iginagalang na opisyal ang pobreng customs policeman na lumilingon kapag tinawag mong, “Cabral!”

Hindi malaman ng mga miron kung bakit muling “tumaas” ang ‘high-blood’ ng nasabing opisyal, dahil lang sa hindi naisarang ‘gate’ dahil hindi pa nakutento, ‘pinag-jogging’ pa umano, as in, “pinatakbo” ng 50 “ikot” sa paligid ng Port of Manila itong si Cabral, aguy,aguy,aguy!

At dahil may edad na rin naman, aba’y “hilahod” na umano itong si Cabral, as in, “lawit ang dila” sa pagod nang makasampung ikot na sa POM. At least, “pinawisan” siya— nang husto, hahaha!

Ang ‘moral of the story,’ dear readers? Kapag sinabing “isara” ang gate, isara,” tama ba, Comm. Jagger Guerrero, hehehe!

Samantala, iwawasto lang natin ang naisulat natin noong Biyernes na ang ‘Brokers’ Lounge’ sa POM ang ginawang ‘Customer Care Center’ (CCC) sa POM. Ito pala ang “orihinal” na plano pero, ang naging CCC ay ang gusali sa bungad ng Gate 3 na dating kinukunan ng mga may transaksyon ng kanilang ‘customs pass.    Kumusta na rin kaya itong si Rizza Mari Burgos Hilario, isang customs police trainee na— kapit ka lang sa silya, CSC chair, Alicia dela Rosa-Bala— “naglanding” sa ospital dahil umano sa “sobrang hirap” na dinanas sa kanilang ‘training’ dyan sa Aduana! OMG!

Kumbaga, ‘military style training’ (daw) ang kasama sa ‘curriculum’ ngayon sa BoC-ESS samantalang hindi naman sila “isasabak” sa giyera at sasakay lang sa mga barko, bilang mga ‘boarding officer,’ kaya, “kailangan” daw ba talaga ang sistemang militar sa kanilang pagsasanay? Ano sa tingin mo, DCE Teddy Raval at ESS director, Yogi Ruiz?

Samantala ulit, isang tawag ang natanggap natin mula sa isang kaibigan upang sabihin na “hindi” na (raw) itong si “Aguas” ang “engkargado” ng PNP sa buong NCR dahil “pinalitan” na siya nitong si “Jigs Tattoo” na operatiba rin ng CIDG.

Dati rin daw “engkargado” sa buong Maynila itong kumag na ito, Boss Joey Venancio.

Bukod sa NCR, “ipinagkatiwala” na rin daw dito kay “Jigs” ang koleksyon ng iligal na sugal sa buong Calabarzon, Chief PNP Archie Gamboa, sakaling hindi mo pa alam.

Kaya puwede mo sigurong itanong: “Totoo ba ito, NCRPO RD Debold Sinas at Calabarzon RD Vicente Danao?” Kung itanggi nila, eh di… wow, hahaha!

Kung hindi kilala ni CIDG director, Jigs Coronel itong kanyang “tukayo” sa sarili niyang tanggapan, “ipabungkal” niya ang ‘PDS’ (personal data sheet) nitong Marlon Servillon, hane?

At marahil, saka niya masasabing, “lintek ka, ikaw pala si Jigs,” hehehe!