P150M Bill Waiver Plan ng Manila Water malaking ginhawa

MALAKING ginhawa para sa mga customer na naaapektuhan ng water supply interruption ang bill waiver plan ng east zone concessionaire Manila Water na inaasahang ipapatupad sa susunod na buwan ng Abril.

Ang bill waiver o discount na nagkakahalaga ng P150 million ay patunay lamang ng malasakit at pagiging priority ng Manila Water sa pangangailangan ng mga kustoner nito.

Bukod dito may dahilan ring magbunyi ang mga mamamayan dahil may 97 porsyento na ng mga  customer ang nakakaranas ng pagbabalik sa mas mahaba  at normal na supply ng tubig. Salamat sa Manila Water dahil sa agarang pagpapatupad ng rotational supply scheme noong Marso 14.

Alam ng Manila Water sa pangunguna ng presidente at chief executive officer  nito na si Ferdinand Dela Cruz na malaking abala ang pagkakaroon ng limitadong supply ng tubig. Kaya naman upang maibsan ang sakit ng ulo ng mga customer ay kumonsulta ang east zone concessionaire sa Metropolitan Waterworks and Sewearage System na inaprubahan  agad ang bill waiver plan.

Magmula nang Manila Water ang namahala sa  operasyon ng water uitilities noong 1997  ang mga residente sa east zone ay nakaranas ng pagbabago sa kanilang tubig at serbisyo sa wastewater.

Ito ay  dahil sa hakbang ng Manila Water para palaguin ang pagbabahagi ng linya at bawasan ang system losses.

Magmula nang pumasok ang Manila Water sa east zone nawala ang samu’t saring problema sa sistema tulad ng 26 porsyento lamang ng populasyon ng lugar ang may 24 na oras na suplay ng tubig dahil sa mga tagas mula sa mga lumang tubo, meter tampering, at iligal na koneksyon na nagdulot din ng mataas na insidente ng kontaminasyon at mga sakit na nagmumula sa tubig.

Saludo para kay Dela Cruz sa kanyang magiting na pagtiyak sa mga konsumer na ginagawa ng Manila Water ang lahat ng makakaya upang maibalik sa normal ang supply ng tubig.

Palakpakan naman sa mga consumer na pinakita pa rin ang tatak ng Pinoy sa paiging resilient, at pinatunayan na lahat ng problema at krisis ay kakayanin.

Mabuhay ang Manila Water. Mabuhay ang Pinoy consumers!

Para sa mga komento at suhestiyon, mag- text sa 09175841714 o mag-email sa tesslardizabal@yahoo.com