Paghandaan na ang leptospirosis, dengue, diarrhea at measles

April 22, 2020

MUKHANG nakasentro ang atensyon  nating lahat sa COVID-19, dapat lang naman dahil nakakatakot ang sakit na ito na nagpapahirap ngayon sa buong mundo.

Pero sana huwag naman natin kalimutan ang iba nating problema na puwede ring kumitil ng maraming buhay.

Madalas ay umuulan na sa ilang lugar sa bansa.

Ang ibig sabihin niyan ay malapit na ang muling pagbabaha sa mga mabababang lugar.

Kapag tag-ulan ay nandiyan na naman ang mga kinatatakutang dengue, leptospirosis at diarrhea.

Bukod pa diyan, nangangamba din ang Department of Health sa pagtaas ng kaso ng measles dahil sa kakulangan sa pagbibigay ng bakuna sa mga bata ngayong panahon ng. COVID-19.

Hndi biro ang mga sakit na ito.

Kasabay ng kampanya laban sa COVID-19, sana maglunsad din ang gobyerno ng malawakang paglilinis sa mga daluyan ng tubig.

Linisin na ang mga pinamumugaran ng mga daga, lamok, ipis at iba pang mapaminsalang hayop at insekto.

Baka tuluyan na tayong mataranta kung sabay-sabay na magpahirap sa atin ang COVID-19, dengue, measles, diarrhea at leptospirosis.

Huwag naman po sana Panginoong Diyos!

***

Halos lahat ng negosyo, pati maliliit, ay natigil dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng tinatawag na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Matindi ang epekto nito sa kabuhayan ng marami  pero kailangang gawin ito para matigil ang mabilis na pagkalat ng kinatatakutang Corona Virus.

Sa katunayan, kung hindi naging maagap sa pag-aksyon ni Pangulong Duterte at mga opisyal ng ating gobyerno, baka  mahigit sandaang libo na ngayon ang kaso ng COVID- 19.

Kaya naman ngayon ay masusing pinag-aaralan ni Pangulong Rody Duterte ang mga susunod niyang hakbang kung kailangan bang i-extend o i-lift ang Enhanced Community Qurantine.

Sa tingin natin, tama ang sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año, marami pa din sa ating mga kababayan ang hindi marunong tumalima sa mga pinatutupad na batas.  Paano mo nga naman basta tatanggalin ang ECQ kung ganyan ang pag-uugali ng marami nating kababayan. Eh malamang nga na tumaas ulit ang bilang ng COVID-19 victims kapag tinanggal ang ECQ.

Kung ang mayayamang bansa nga na katulad ng Estados Unidos at mga bansa sa Europa ay hindi nakaligtas sa bagsik ng COVID- 19.

Kaya pasalamat tayo at naging maagap si Pangulong Duterte sa pag-aksyon.

Sana bago magkatapusan ng Abril ay maipakita na ng taumbayan na kaya nating sumunod sa mga alituntuning  ipinapatupad ng pamahalaan.

Magtulong-tulong tayo  para matulungan rin natin ang gobyerno na magawa ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang bawat mamamayan ng Pilipino.

Tigilan na ang pagiging PASAWAY!

***

Maganda lang na uso ang pag-order "online" na kahit papaano ay nakatutulong sa mga tao.

May mga grocery nga na tumatanggap na rin ng on-line orders eh.

Kaya ngayon, madalas nakakakita tayo ng mga nakamotor, nakabisekleta o naglalakad na may dala-dalang mga produkto na ide-deliver sa mga kostumer.

At dahil dito, kahit papaano ay kumikita ng kaunti ang mga delivery boy.

Sa pakikipag-usap nga natin sa isang nagdedeliver, "kailangan lang talaga ng sipag at tiyaga para hindi magutom ang pamilya. "

Kung tutuusin, Isa sila sa mga "frontliner" ngayong panahon ng krisis na dala ng COVID-19

Ipagdasal natin ang kanilang kaligtasan.

***

(Para sa inying mga komento at suhestiyon, tumawag i mag-trxt sa #0921-4765430/rmail:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan. )