Pagkamatay ni George Floyd ang dapat ipaglaban ni Gabby Lopez, hindi ang ABS CBN!

NAGKAMALI si ABS CBN owner Gabby Lopez  alyas Boy Kano sa kanyang partisipasyon sa franchise hearing ng istasyon sa kongreso nitong nakaraang linggo.

Maliwanag ang sinasabi ng Saligang Batas, ang puwede lamang magmay-ari ng media at mga katulad na kompanya sa Pilipinas ay purung-purong Pilipino. Ibig sabihin, 100% Pilipino, hindi 50% alien, hindi rin 50% Pinoy.

Sabi nga ni former Supreme Court  Justice Tijam, halos 48 years bago naisipan ni Loez na kilalanin niyang siya ay Pilipino at makalipas ang 50 years bago pa siya na kumuha ng Philippine passport.

Ano iyon, pagkagising niya after 50 years naalala niyang Pilipino nga pala ang kanyang tatay at nanay kaya Pilipino rin talaga siya?

Hindi ako magtataka kung sa Amerika rin nagpatuli si Boy Kano.

Sa nangyaring hearing, inamin ni Lopez na bumoto pa siya  noong 2016 US elections. Ibig sabihin, dalawa lang ang posibleng kinikilalang Presidente ni Gabby Lopez, kung hindi si Donald Trump, malamang ay si Hillary Clinton dahil silang dalawa lang naman ang magkalaban noong 2016 US Presidential election.

Hindi lang naitanong sa hearing kung naglabas din ba ng black propaganda TV ad si Gabby laban kina Trump or Clinton sa TFC Channel tulad ng inilabas nila sa ABS CBN na  black propaganda laban sa kandidatong Presidente noong 2016 na si Rody Duterte.

Hindi na rin ako nagtataka ngayon kung bakit si Grace Poe at si Mar Roxas ang kandidato ni Gabby at ng ABS CBN noong 2016. Una, si Grace Poe ay American citizen din, samantalang si Mar ay Wharton graduate.  Mapagmahal talaga si Gabby sa mga kababayan niyang taga-Amerika.

Kung hindi pala puwedeng maging may-ari ng media entity ang Pilipino na may kalahating dugo ng banyaga, ibig sabihin magmula 1996 nang maging President at CEO siya ng ABS CBN ay nilalabag na nila ang Saligang Batas!

Teka nga pala, sa maraming pagkakataon, hindi naman pinapayagan sa Senate or Congressional hearing na direktang abogado ang sasagot sa mga tanong ng resource person, pero bakit sa kaso ni Gabby, puwede?

Karaniwan sa mga hearing, katabi lang ng resource guest ang kanyang abogado at kung may itatanong ang senador or congressman na hindi kayang sagutin, papayagan siyang komunsulta sa kanyang abogado.

Pero sa pagkakataong ito, nagmukhang si Atty. Mario Bautista ang resource guest at si Gabby ang kanyang abogado dahil mas marami pang sinasabi ni atorni kaysa sa kanya. Hindi ba ito kaso ng special treatment?

Maliwanag naman ng argumento ni Congressman Marcoleta, kung humingi ka ng Alien card, ibig sabihin alam mo rin sa sarili mo na hindi ka purong Pilipino. Hindi ko bibilhin ang katwiran na kailangan ni Gabby ng alien card para makapag-apply siya ng Philippine passport.

Doon pa lang, sablay na. Kung totoo ang sinasabi mo na ikaw ang may ari ng bahay, bakit ka nanghihiram ng susi kung kani-kanino para makapasok ka? Ang totoo, kung ako ang abogado ni Gabby, hindi niya kailangan ng alien card bilang  dual citizen sa pag-apply ng Philippine passport.

Tip na rin ito sa mga magkakaroon ng ganitong isyu in the future. Kung ipinanganak ka sa foreign land na Pilipino ang iyong tatay at nanay, ang sinasabi ng Saligang Batas, ikaw ay nananatiling Pilipino.

Ibig sabihin, kung kailangan mo ng Philippine passport, puwede kang mag-apply na ang iyong isusumite at requirements ay una, marriage contract ng nanay at tatay mo, pangalawa, birth certificate ng nanay at tatay mo, pangatlo, birth certificate mo. Kapag authenticated ng Philippine Statistics Authority with certified true copy pa mula sa city or municipal registrar ang birth certificate and marriage contract ng parents mo, ayos ka na for Philippine passport kahit saang lupalop ka pa ipinanganak.

Kung sinabi ng Philippine pssporting na kailangan mo ng alien card para makakuha ng Philippine passport dahil sa abroad ka ipinanganak,  aba'y itaob mo ang lamesa ng kausap mong consul dahil tiyak, hindi niya alam ang kanyang sinasabi!

Kaya nga para sa akin, maliwanag na hindi puwedeng maging ABS CBN owner si Gabby dahil kalahati ng kanyang dugo, ayon na rin sa kanya, ay Amerikano siya. At ang pagboto niya sa eleksiyon sa Amerika ay pagpapatunay na renunciation or pagtatakwil na siya ay isang Pilipino.

Hindi mo kailangan ng affidavit of renunciation para talikuran ang iyong bansa, iyon mismong act of voting sa eleksiyon sa ibang bansa ay nagdedeklara ka na wala ka nang pakialam sa Pilipinas.

Kaya nga ang suggestion ko kay Gabby Lopez, kaysa dumalo ka pa ng ABS CBN franchise hearing sa mga susunod na araw, ang gawin mo na lang ay mag-impake ka na para sumama sa nangyayaring protesta sa Amerika.

Ipaglaban  mo ang pagkamatay ng kababayan mong si George Floyd sa kamay ng mga pulis!

Hayaan niya na si Carlo Lopez Katigbak ang magdepensa sa dos para mas malaki ang tiyansa na maaprubahan ang franchise renewal. Kapag nariyan si Boy Kano naku, parang alam ko na ang ending nyan!

Maawa  ka sa mga empleyado, huwag mo silang ipahamak!

allanpunglo@gmai.com