Pahirap ang mihirap; Jinggoy vs Zamora

MASAKIT sa ulo ang kaliwa’t-kanang pasaway ng maraming Pilipinong tanga, matigas ang ulo o sadyang ayaw lang pasakop sa gobyerno.

Nakakapikon dahil ‘yung mga matitino nating kababayan, nagtitiis na huwag lumabas ng bahay o kung kailangan man lumabas dahil sila ay bahagi ng mga tinatawag na ‘frontliners’ o kaya ay kailangang bumili ng pagkain o gamot, sila ay naka-face mask at tumutupad nang wasto sa tamang pagaagwat-agwat o ‘social distancing.’

Tapos heto ang mga kumag na mga maralita (pasensiya na sa totoo lang tayo) na makukulit, na parang wala lang. Magsisilabas ng bahay na parang walang umiiral na enhanced community quarantine. Para ding walang nakakahawang COVID-19 dahil mga wala silang face masks, tumpok-tumpok at wagas magsi-hatsing, ubo at dura sa kalye. Ýung iba, naka-face mask pero  nakalabas naman ang ilong o kaya ay isang tenga lang ang me nakakapit na tali.

Hindi pa ýan. Magsisi-tambay sila sa kalsada para magchismisan, dili kaya ay mag-yosi, mag-basketball, volleyball, mag-inuman o magsugal.

Sa totoo lang, sa ganang akin ay hindi nagkukulang ang ating pamahalaang national at maging mga lokal. Hilong-hilo sila sa kakaisip kung paano maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at kung paano matutulungan ang mga mahihirap nating kababayan, ýung mga walang hanapbuhay na walang binabayarang buwis, gayung sila itong mga ni hindi marunong kumilala sa kautusan ng gobyerno na kumakalinga sa kanila.

Sa mahihirap na ito din napupunta ang pondo ng bayan na natipon mula sa mga buwis na bunga ng paghihirap at pagsisikap ng mga taong sumusunod sa utos ng gobyerno. Tapos ni hindi man lang nila magawang isipin na pangalagaan ang kalusugan ng mga taong bumubuhay sa kanila.

Sa totoo lang, hindi kakayanin ng kahit na anong lokal na pamahalaan na tutukan isa-isa ang mga residente, laluna sa mga lugar na pinamumugaran ng pinakamahihirap. Kung tutuusin, barangay ang dapat na magtiyak na lahat ay mananatili sa loob ng bahay ang kanilang mga nasasakupang residente, liban na lang kung me lehitimong dahilan para sila ay lumabas.
Ang problema, maraming barangay chairmen ang kunsintidor at minsan ay siya pa mismong pasimuno ng paglabag sa mga kautusan ng gobyerno, lokal man o national.

***

Sinagot ni San Juan Mayor Francis Zamora ang tirada sa kanya kelan lang ni dating Senador Jinggoy Estrada sa social meda.
Galit na galit si Estrada dahil ipinahihinto daw ni Zamora ang rolling store ng kanyang anak na si Janella, gayung layon lang daw nito ang makapagbenta ng murang bilihin sa mga taga-San Juan. Hinamon pa niya ang higanteng mayor (buti hindi kumol ang higanteng Zamora heheh).

Sabi ni Zamora, wala daw siyang oras na patulan si Jinggoy dahil abala siya sa mga problema ng lungsod kaugnay ng coronavirus situation.

Wala din daw problema sa kanya kung mamimigay ng tulong ang kahit na sino kaso daw, walang permit ang operasyon ng naturang tindahan at bukod sa kinukumpetensiya nito ang mga tindera sa San Juan ay mga galing daw sa donasyon 'yung itinitinda ni Janella.

Arghh. Naku ha? Totoo kaya ito?  Mabigat ang akusasyong ito ni Zamora. Abangan na lang natin kung paano sila magkakatapos sa isyung ito.

Sa ganang akin, nagtataka lang ako kung bakit kailangan pa kasing pagastusin ng pamilya Estrada ang mga residente ng San Juan, kahit sabihin mo pang malaki ang baba ng presyo ng rolling store nila kumpara sa mga grocery o ordinaryong palengke.
Kung ako sa kanila, ipinamudmod ko na lang ýung mga pagkain kesa ibenta sa mga residente ng lungsod. Sa ganung paraan, si Zamora ang mapapasama sa mata ng mga taga-San Juan kapag inawat niya ang pamimigay sa mahihirap.
Kung ako ýun. Kaso, hindi ako ýun. Heheh…

***

Beauty tip---Excessive alcohol consumption dehydrates and thins skin, causing wrinkles and that unattractive splotchy look. (Source: Dr Rosary May Canay-Diaz of Californian Bloom Aesthetic Institute and Medical Spa /168 Branch-09773726628/87010887/ Valezuela-09560895596/87010890/E. Rodriguez-09560895598/87010899/ Website: www.californianbloom.com.ph/  Facebook:CALIFORNIAN BLOOM)

***

Jokjok (from from Connie Damino of Samar) ---Frog: Mahal na prinsesa, isa akong prinsipe na isinumpa.  Tulungan mo ako./Prinsesa: Ah, narinig ko na `yan.  Di ba kailangan halikan kita para magbalik ka sa dati mong anyo?/
Frog: Mali.  Masyadong malakas ang sumpa. Kailangan SEX!

***

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to itchiecabayan@yahoo.com or text 0927-7169778.