Palakasin ang BHW at barangay health centers

August 03, 2020

MARAMI na tayong bagay na hindi nagagawa ngayon dahil sa pandemic.

Karaniwan, kapag buryong ka na sa trabaho, may mga ihaw-ihaw na puwedeng puntahan. Kung sobra na ang trabaho mo sa loob ng isang linggo, minsan gusto mo ring magdalawang beer or wine sa lobby ng mga hotel habang may jazz music.

Hindi ito madaling maalis sa habit ng mga working class, executive man or karaniwang manggagawa.

Kailangan natin ang mga relaxtion mode para magkaroon tayo ng bagong lakas.

Para ka lang nagkakarga ng baterya kapag nagagawa mong magpalipas ng oras habang bumubuwelo ka sa marami mo pang gawain kinabukasan. Hindi iyong "inom na parang walang bukas" ang tinutukoy ko. Talagang relax mode lang na maximum 2 to 3 bottles of beer para lang basagin ang paulit-ulit mong ginagawa sa trabaho.

Mula Marso 15 ngayong taon, hanggang ngayon, wala nang nakakagawa sa atin nito dahil sa quarantine at lockdown. Malaking epekto rin nito sa productivity ng mga manggagawa. Plus, isipin natin mabuti kung gaano kalaki ang nawala sa economic activity dahil walang hotels, walang bar and grills at mga night out stations na kasama sa underground economy.

Nauunawaan natin ang mga medical practitioners sa kanilang hiling na ibalik sa ECQ ang Metro Manila at Calabarzon. Imagine ang isang bahay na tinanggalan mo ng tatlong matibay na pundasyon. Sabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez, 67% ng Philippine economy ay nakadepende sa NCR at Calabarzon.

Ngayong nag-MCQ, nakita rin natin ang malaking epekto dahil marami na palang kompanya ang nagsara matapos ang 5 months na walang operasyon. Nagsara as in shutdown hindi temporary closed. Hanggang ngayon,  naghihingalo rin ang ating ekonomiya dahil sa pandemic na ito.

Kung ibabalik sa ECQ kahit dalawang linggo, para na rin nating tinanggalan ng life support ang agaw-buhay na ekonomiya ng bansa. Naiipit tayo sa importansiya ng buhay at kabuhayan. Gusto nating mabuhay laban sa virus pero nagiging salat na tayo sa pagkain.

Ibig sabihin, ang pagsasara ulit ng negosyo at pagbabawal sa mga manggagawa na lumabas ay katulad din ng pag-injection ng virus sa kanila. Mamamatay na rin sila sa gutom at ang bansa ay hindi na makakabangon.

Ang nagiging problema talaga natin ay ang kawalan ng universal health system na ngayon lamang natin nakita dahil sa COVID-19. Aminin man natin o hindi, health ang most neglected aspect sa buhay ng mga Pilipino.

Noong panahon ni Marcos, sistematiko ang health needs nating lahat dahil malakas ang barangay health centers. May gamot at may duktor na unang pinupuntahan ng komunidad.

Ngayon, buwenas na kung may bulak man or buwenas na kung may umaandar na matinong health centers na may duktor at pasilidad.

Kaya natutuwa tayo kay Congressman Mike Defensor ng Anak Kalusugan dahil nakapokus talaga sila sa problema ng health system ng bansa.

Sang-ayon tayo sa sinasabi ni Mike na maging institutionalize ang BHW o barangay health workers para  political accomodation lang sa komunidad.

Sanayin natin ang BHW, bigyan natin ng gamot at gamit ang mga health centers. Isipin nyong mabuti, 42,000 ang barangay sa buong bansa, kung lahat ng yan ay may malakas na BHW at establisadong health centers, hindi mahihirapan ang mga ospital natin kapag dumarating ang ganitong panahon ng pandemya
allanpunglo@gmail.com