
Palakasin ang boses natin para sa hustisya sa halalan
HINDI kaila sa atin ang malasakit mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga api at lalu sa mga humihingi ng hustisya.
Bilang dating prosecutor tungkulin nito at natural lang sa kanya na isulong ang katarungan ang manaig sa ikabubuti ng mga mamamayan at katahimikan ng bansa.
Hindi rin kataka-taka na ipahayag niya ang kanyang malasakit sa mga biktima at kaanak sa kontrobersya sa Dengvaxia related deaths.
Aabot na sa may 38 ang kasong criminal na naisampa sa Departmenmt of Justice at unti unting umuusad ng paggulong ng hustisya dito.
Nakakatuwa din ang pag apruba ng Pangulo sa dagdag na 397 na lawyers ng PAO at nais ni Chief Public Attorney Dr. Persida V. Rueda Acosta na maregularize ang mga service contract workers nito upang lalung mapalakas ang PAO sa dami ng mga tinutulungan nito.
Sa darating na halalan ngayong Mayo, tiyakin natin na magkaroon ng hustisya at ito ang manaig sa pamamagitan ng paggamit natin ng ating mga balota bilang boses para sa paglulok sa mga kandidatong subok na magsusulong ng hustisya at ilaglag ang mga abusado at hindi maasahang mga pulitiko na walang malasakit sa masa Pinoy.
Gawin natin na tunay na people power ang halalan na ito para sa katarungan para sa mas mabuting kinabukasan ng ating bansa lalu na sa kaso ng Dengvaxia na mga inosenteng kabataan ang mga biktima.