Raman Spectrometer, X-Ray Fluorescence malaking tulong sa Bureau of Customs

April 28, 2019

INAASAHANG lalo pang bubuti ang pag-detect sa mga kontrabandong pumapasok sa bansa, lalo na ang mga kemikal at produktong metal na banta sa kalusugan at seguridad.

Kamakailan  ay tumanggap ng dalawang equipment ang Bureau of Customs  para magamit sa kanilang anti-smuggling drive.

Nagbigay sa BoC ang World Customs Organization-Asia Pacific-Security Project ng isang Raman Spectrometer (RS).

Ito ay ginagamit para i-identify ang mga hindi kilalang kemikal o compound.

Ang isa pang donasyon X-Ray Fluorescence (XRF) analyzer ay ginagamit para sa metal identification.

“It provides rapid identification to users who require laboratory-quality results in the field,” ayon sa report.

Sinabi ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero na ang dalawang equipment “are highly significant to customs and border control operations.”

Ayon pa sa BoC, “it efficiently identifies threats and measures broader range of substances.”
Malaking tulong ang dalawang kagamitan para lalong mapaganda ang anti-smuggling drive ng BoC.

***

Kailangan kayod-kalabaw ang gawin ng mga taga-Bureau of Customs para maabot ang kanilang collection target sa taong ito.

Kailangang kasing makakolekta ang ahensiya ng P535.1 bilyon sa huling siyam na buwan ng 2019.
Sa unang tatlong buwan ng 2019 ay umabot ng P141.9 bilyon ang koleksyon ng ahensiya.

Ang ibig sabihin niyan ay kailangang hindi bababa ng P535.1 bilyon ang dapat pumasok sa kaban ng BoC para maabot ang P677 bilyong target collection sa taong ito.

Ayon kay BoC spokesman, Erastus Austria, tumaas ang koleksyon noong nakaraang buwan dahil lumaki ang volume ng importasyon ng bansa.

Sa totoo lang, nakasalalay sa dami at klase ng importasyon ang laki ng makokolektang buwis at taripa ng BoC.

Kahit pa 24/7 ang trabaho sa aduana ay hindi ito garantiya na makakamit ang assigned tax take ng BoC.

Dapat ma-encourage ang mga negosyante na dagdagan ang kanilang importasyon.

At siguraduhing importer at broker-friendly ang mga ipapatupad na rules and regulations sa aduana.

Sa tingin naman ng marami, ito ang ginagawa ng liderato ng BoC.

***

Labing-apat na araw na lang, eleksyon na sa bansa.

Dapat maging alerto at mapagmatyag ang taumbayan.

Lalo na sa kanayunan kung saan maraming lokal na opisyal ang reeleksiyonista.
Bantayang mabuti ang mga galaw nila.
Baka magkawalaan ang mga gamit at mahahalagang record.

Alam naman natin na ugali na ng mga tiwaling pulitiko na Kapag alam nilang matatalo na sila ay pandaraya na ang ginagawa.

Huwag lang tayo bumoto sa Mayo 13, bantayan din natin ang mga nakaupong opisyal.
(Para inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/wmail/vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)