
Silver lining ngayong Kapaskuhan
LAYUNIN ng mga public attorney na makitaan ng mga preso sa ating mga piitan ang “silver lining” sa kanilang buhay sa loob ng piitan.
Matatandaan na binanggit ni Miss Universe Catriona Gray sa Question and Answer sa Miss Universe Beauty Pageant ang tungkol sa “silver lining” o maningning at pinilakang bahagi sa gitna ng kalungkutan at kahirapan sa kanyang pakikisalamuha sa mga kabataan sa slums sa Tondo.
Siyempre laging inaasam ng mga preso ang makalaya lalo sa tuwing sasapit ang kapaskuhan at makapiling na muli ang kanilang mga mahal sa buhay.
Bahagi ng tungkulin ng mga public attorney sa pamumuno ni Chief Public Attorney Dr. Persida V. Rueda Acosta ang mabigyan ng pag-asa ang mga preso katulad ng mga preso sa Correctional Institution of Women at Quezon City Female Dormitory sa Camp Karingal na dinalaw ng PAO na bahagi ng kanilang jail visitation at decongestion program bago sumapit ang Pasko.
Tiyak na ang kanilang dalang mga gamot sa kanilang medical mission, legal assistance at ilang regalo at pagkalinga ang nagbigay ng pag-asa, kaluwagan ng kalooban at ngiti tungo sa kalayaan.
Katulad ni Miss Universe Gray nais ng beauty queen na sa gitna ng kahirapan at kalungkutan ay magbigay ng ngiti sa mga kabataan sa kanilang pagharap sa buhay.
Bahagi ng tungkulin ng mga public attorney ang mabigyan ng pag-asa ang mg preso. At taliwas sa paniwala ng ilan sa ating mga mambabatas na hinding-hindi nagpapabaya ang PAO sa kanilang mandato sa mga preso katulad ng makamtan ang kanilang paglaya at makalabas sa piitan at makabalik sa lipunan na may lubos na kagalakan sa kanilang mga puso sa pagsisimula ng isang bagong buhay.