‘Unli-kasal’, makuntento ka kaya?

TAYO na lang daw ang dalawang  bansa  sa buong mundo ang walang diborsiyo. Noong 2010, tatlo pa tayo, ang Malta, Pilipinas at ang Vatican City.

Noong May 2011, nanalo ang divorce law sa Malta referendum sa  diborsiyo kaya ang Pinas at Vatican na sentro at trono ng Katolisismo na lang talaga ang walang divorce.

Baka nagtataka kayo, bansa ang taguri sa Vatican City, sabi nga sa  Latin, unom genus or one of a kind ito dahil siya lang ang lugar na may mahigit isang libong populasyon pero sovereign state ang kanyang kategorya at ang Santo Papa ang head of state.

Sa mga susunod na panahon, malamang ay last man standing na lang ang Vatican dahil agresibo na ang pagsusulong dito sa atin ng divorce bill.

Mas maraming tumatanggap sa idea ng divorce dito sa ating bansa kaysa same sex marriage na  pinaglamayan na matapos todasin sa Korte Suprema. Hindi naman bago ang legal na paglusaw ng kasal dito sa atin kahit walang diborsiyo.

May legal separation via annulment naman na tayo kaya lang matagal at mas magastos lang na proseso. Karamihan sa mga nag-avail ng annulment, kung hindi mayaman, tiyak iyong maraming pera.

Hindi kasi bumababa sa P100K hanggang P200K ang kailangan sa annulment at sobrang haba ng proseso kahit isa lang ang batayan: mental incapacitated. Sa madaling salita, baliw si mister, baliw din si misis.

Kapag naaprubahan ang annulment, doon pa lang malulusaw ang kasal kaya libre na silang magpakasal sa iba. Pero kung trip nila dahil nga pareho silang baliw, sila na rin ulit ang magpakasal!

Ang isinusulong na diborsiyo rito ay hindi iyong katulad sa Amerika na naririnig natin. Iyong tipong mabaho lang ang hininga or may anghit, puwede nang ground for divorce. O kaya naman, hindi marunong magluto si misis or si mister ay mas makapal pang mag-lipstick sa kanya, diborsiyo na agad.

Sa Philippine version, maraming kondisyon, una, dapat limang taon  or more  nang magkahiwalay ang mag-asawa, hindi na talaga magkakasundo, nagkakasakitan nang pisikal, gumon sa droga, nagpapakita ng kabaliwan, kabadingan or katomboyan, at kung anu-ano pa. Sabi nga, daming grounds pero hindi naman kailangang lahat iyon ay pinakyaw na ng partner mo para makipag-divorce.

Ako naman, consistent ang aking paninindigan sa isyung divorce or legal separation. Naniniwala naman akong ang dokumento ng kasal ay isang pirasong papel lang yan na hindi maaaring gumapos sa iyong kaisipan.

Simple lang naman ang pagtingin ko diyan, bakit naman ako lulusaw ng kasal para lang magkapasal ulit? Gastos kaya ang magpakasal.

Unang-una, anong garantiya na kuntento ka na sa pangalawang kasal or pangatlo or pang-apat or “unli-kasal?”

Masyado nating pinahihirapan ang ating mga sarili kung dadaan pa tayo sa maraming proseso ng paghihiwalay. Apply natin ang prinsipyo ng “Cutting the Gordian Knot” kung gusto natin ng mas madali at walang gastos na proseso.

Kung matindi at mahigpit na ang pagkakabuhol, putulin mo ng gunting or itak ang lubid. Tapos ang problema!

Ginagawa nating kumplikado ang mga bagay na puwede namang padaliin. Ginagamit pa nating  sangkalan ang mga nagiging bastardong anak sa labas para bigyang-daan ang isang bagong kasal.

Totoo rin namang may mga bagong pag-ibig na dahil sa sobrang tindi, gusto nang humarap na naman sa altar at sumumpa ulit na siya lang talaga ang tunay na mamahalin. It’s an exchanges of “i do’s” all over again. Ganyan din ang sumpa nila noong una!

Ang bottomline lang naman, kung nagkakaintindihan na kayong dalawa sa inyong pag-iibigan at ayaw nyo na sa dati nyong partner, bakit kailangan nyo pa silang kaladkarin sa korte at magpalitan ng alegasyon para lamang maaprubahan ng diborsiyo? Hindi ba tulad din ito ng washing your dirty linen in public?

Dahil sa ginagawa nyong parehong baliw na misis at baliw na mister, may mga anak naman sa una na pinatestigo nyo pa habang iyong mga bagong anak na daratnan ay binigyan nyo ng burden na nang-agaw ng tatay or nanay!  

Parang nanonood ng championship game ang mga anak sa magkabilang panig ng korte at magtsi-cheer kung sino ang mana nalo sa diborsiyo.

Miserableng sitwasyon, hindi po ba?

Ang payo ko sa inyo,  hindi na kailangan ng diborsiyo, pag ayaw na,  e di ayawan na, period!
allanpunglo@gmail.com