ABS-CBN 'di mapataob ang KMJS

February 11, 2020
Jessica Soho
Jessica Soho

HINDI talaga matalu-talo ng kalaban ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Nag-iba na naman ang programming sa Sunday primetime ng Kapamilya network. Una nang natalo sa ratings ang Rated K ni Korina Sanchez kaya ibinaba ito sa mas maagang timeslot. At ang itinapat sa show ni Jessica ay mga digital movie na pumatok sa iWant; na kinalaunan ay pinalitan ng mga blockbuster mainstream movie. Ngunit sadyang di matinag-tinag ang KMJS. Kaya ngayon binago na naman ang lineup. Mas maaga na ngayon ang Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda. Kaya halos magtatapatan ang dalawa.

Hindi maikakaila na pambato ng Kapuso network ang KMJS. Sa totoo lang, wala naman bago sa mga topic na pini-feature nila kada-linggo. Halos sa social media din nila kinukuha ang mga materyal nila. Pero matindi ang kanilang research dahil may nauungkat pa sila na bagong impormasyon. At mahusay din ang treatment at pagkakalatag ng bawat segment. Kaya naman lagi itong trending. Huling-huli na ni Jessica kung paano pasabikin at kilitiin ang Pinoy viewers para 'di bumitaw sa kanyang show.

Kahit itapat pa si Vice kay Jessica, mukhang kampante lang ang huli. Lalo na't balitang matsu-tsugi na rin sa ere ang GGV. Will KMJS finally kiss GGV goodbye on air? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com