ABS-CBN iba pa rin ang magic

June 13, 2020

PATULOY pa rin ang hearing sa Kongreso para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Kamakailan, muling ginisa sa hearing ang Chairman Emeritus ng network na si Gabby Lopez hinggil sa kanyang dual citizenship. Lopez seems to have been humiliated by House Deputy Speaker Rodante Marcoleta when he was asked to recite the first line of Panatang Makabayan. Kitang-kita sa reaksyon ni Lopez na pinipilit niyang maging composed sa gitna ng diumano'y pambu-bully sa kanya ni Marcoleta.

Bukod sa citizenship ni Lopez, kinukuwestiyon din ang tungkol sa diumano'y pagbebenta ng Philippine Depository Receipts (PDRs) sa mga banyaga. Matatandaan na nasasaad sa Saligang Batas ang restriction o pagbabawal sa mga dayuhan ang pagmamay-ari o pagma-manage ng isang mass media entity. Pero mariing pinabulaanan ni ABS-CBN legal counsel Cynthia del Castillo ang nasabing akusasyon. Aniya, "PDRs are purely financial instruments. Hindi po siya shares. Hindi po siya nakakaboto sa ABS-CBN Broadcasting at hindi po siya nakaka-participate sa management." 

Dagdag pa ng dating dean ng Ateneo Law School, “Ang PDR owners are what we call passive investors, hindi po sila nakikialam sa ownership and management. The commitment of ABS-CBN Holdings is really just to make cash distribution. Because it is a financial instrument ang expectation lang ay financial rewards.”

Sa pinagdaraanan ngayon ng Kapamilya network, sana matutuhan nila kung ano man ang mga umano'y pang-aabuso sa kapangyarihan bilang "the country's influential media network." Na ang kanilang pangunahing layunin ay magbigay ng information at entertainment. And not to help raise a political puppet at their beck and call.

Sabi nga ng isang kaibigang writer, tama lang napahirapan sila ng gobyerno para mabawasan ang kanilang kayabangan. Pero buwelta naming sa kanya, kalabisan naman na hangarin niya ang tuluyang pagsasara nito. Sa totoo lang, iba pa rin ang magic ng Kapamilya network. Pero bakit hanggang ngayon, di pa rin umuubra ang magic nito? Mahina ba ang legal team ng ABS-CBN at hirap silang depensahan ang network? Just asking...


Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com