ABS-CBN patuloy ang pagtulong

April 23, 2020
ABS-CBN Logo

GUSTO naming papurihan ang Kapamilya Network sa kanilang ipinapaabot na public service at malasakit sa sambayanan na consistent naman nilang ginagawa kapag may dumarating na iba’t ibang kalamidad sa ating bansa sa kabila na hanggang ngayon ay nanganganib pa rin ang kanilang license renewal to operate na tila hindi binigyan ng importansya ng mga kongresista hanggang sa abutan tayo ng lockdown dahil sa coronavirus (Covid-19) pandemic.

Bukod sa P100-M na donasyon ng ABS-CBN at sa walang humpay na public service, pagtulong at pangangalap ng mga donasyon sa kanilang “Pantawid Pag-ibig” campaign ay patuloy silang paghahatid ng tulong sa publiko sa sarili nilang pamamaraan.

Today, this writer received a surprise call from the PR manager ng corporate communications ng ABS-CBN na si Aaron Domingo asking for my bank account details dahil may kaunting tulong daw na ipadadala ang Kapamilya Network.

Regardless of the amount, ang mas mahalaga ay ang gesture na maalaala ka in times like this.

Maraming salamat, Kapamilya!

Gusto ko ring pasalamatan ang National Press Club (NPC) na nagpadala ng relief goods sa tanggapan ng People’s Journal in Port Area, Manila ganundin si Sen. Bong Go, Atty. Ferdie Topacio, Beautederm’s lady boss na si Rei Anicoche-Tan, Tonette Dagatan, couple Addie and Tess Alcantara ng Aling Kika’s Food Products, Ferdie and Bambi Ignacio, Melvin and Che Esperas at iba pa.  Maging ang aking relatives and friends na nasa iba’t ibang lugar, checking on me and my family.