Actor-politician sa ‘Ang Probinsyano’ cast nag-positive

August 08, 2020

DAHIL sa present situation na maraming restrictions, napakahirap sa mga TV networks at movie producers ang pagpapatuloy ng produksyon ng kanilang mga programa at pelikula because they have to follow certain health protocols.

Isa sa cast ng top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” ang vice-governor ng Batangas na si Mark Leviste ay nag-positibo sa Covid-19 kaya dobleng ingat ang ginagawa ngayon ng bumubuo ng production.

Pero sa kabila ng maraming limitasyon dahil sa sitwasyon, hindi humihinto ang ibang produksyon sa kanilang trabaho na may ilang buwan ding natigil nang ipatupad ang total lockdown.