Aga gustong makapareha si Jodi

February 07, 2020
Aga Muhlach and Jodi Sta. Maria
Aga Muhlach and Jodi Sta. Maria

PINAKITA sa amin ng big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario ang actual figures ng first day gross ng pelikulang “On Vodka, Beers and Regrets” na pinagtatambalan nina Bela Padilla at JC Santos bilang patunay na hindi siya nagpa-padding ng figures. Close to P6.3-M ang first day gross ng movie na nagbukas sa mga sinehan last February 5.

Dahil sa tagumpay ng balik-tambalan nina Bela at JC sa takilya ay nag-desisyon ang Viva na ituloy ang showing ng first team-up nina Cristine Reyes at Xian Lim, ang “Untrue” mula sa panulat at direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo sa darating na February 19.

Dahil sa novel coronavirus scare, natakot ang Viva na baka hindi lumabas ang mga tao para manood ng movie pero dahil sa ipinakitang lakas ng reunion movie nina Bela at  JC, nagdesisyon si Boss Vic na ituloy na ang showing ng “Untrue” nina Cristine at Xian lalupa’t maganda at kakaiba ang istorya at pagkakagawa ng pelikula.

Samantala, ibinalita rin sa amin ni Boss Vic na isang major joint movie venture ang pinaghahandaan nila ngayon ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad, his cousin--ang balik-tambalan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na nakatakdang idirek ni Joyce Bernal.  Target ng pagsisimula ng movie ay sa buwan ng June 2020.  Kinu-consider din ng magpinsang Boss Vic and Boss Orly ang reunion movie nina Aga Muhlach at Lea Salonga.

Ang OctoArts Films ni Boss Orly ang nag-produce ng unang tambalan nina Aga at Lea sa pelikulang “Bakit Labis Kitang Mahal” mula sa panulat at direksiyon ni Joey Javier Reyes.  Ito’y naging kalahok sa 1992 Metro Manila Film Festival at 2nd top-grossing film ng nasabing filmfest.

Ang Viva Films ang nag-produce ng unang team-up nina Sharon at Robin nung 1991 sa pamamagitan ng hit movie na “Maging Sino Ka Man” na sinundan ng “Di Na Natuto (Sorry Na, Pwede Ba?)” in 1993.  Their third movie team-up happened in 2001 sa pelikulang “Pagdating ng Panahon”.  All three movies were certified blockbuster hit movies.  It was in November 2017 nang i-produce ng Star Cinema ang balik tambalan ng dalawa sa pelikulang “Unexpectedly Yours” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina.  Ang nasabing pelikula ay kumita sa takilya ng P249-M.

Samantala, gusto umano ni Aga na makatambal ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa bagong movie na kanyang gagawin sa Viva bilang follow-up movie sa kanyang 2019 Metro Manila Film Festival blockbuster movie na “Miracle in Cell No. 7”.