Agot, pumatol sa isyung ‘Palito’

April 18, 2020
Agot Isidro

Winner ang sagot ni Agot Isidro sa mga kaaway niyang DDS (die-hard Duterte supporters) na ikinumpara siya sa hitsura ng namayapang komedyante na si Palito.

Nirepost ni Agot ang sketch ng larawan niya na ginawa ng diumano’y supporter ni Pres. Rodrigo Duterte at makikita sa larawan na pinagmukha siyang si Palito.

Sa caption, ani Agot ay hindi siya nao-offend sa pagkukumpara sa kanya sa nasabing yumaong komedyante and on the contrary ay honored pa siya.

“Dear DDS, If you think I am offended by this, I am not. Palito is a legend.

“I am quite honored, actually. So thank you for this.

“But please, take your pea-brains out of my TL, because I am blocking you.

“My TL, my rules,” ang caption ni Agot.

Marami namang kumampi sa aktres at sinabihan ang  mga bashers na irespeto naman ang mga yumao na.

“Super baba tlaga ng mga brain ng DDS. They dont know respect even those resting souls. These DDS are trying to cover up everything without knowing that we are in deep shit because of them,” komento ng isang netizen.

As we all know, ever since ay anti-Duterte si Agot at walang takot niya talagang binabatikos ang Pangulo noon pa man gayundin ang administrasyon nito pati na ang ilang government officials.

Kaya naman noon pa man ay walang tigil din ang pamba-bash sa kanya ng mga DDS.