Ai-Ai, tinutoo ang negosyong panaderya

April 12, 2020

TINOTOO ni Ai-Ai de las Alas ang nabanggit kamakailan na pagkatapos ng Holy Week, tatanggap na siya ng order ng baked niyang pastries at bread.

Naka-announce na ito sa Instagram (IG), may pangalan at logo na rin siya sa bago niyang business at sa mga mag-o-order, ang tatawagan ay Martina’s Breads & Pastries.

Post ni Ai-Ai: “Pls follow us sa IG... for your pre orders next week after holy week... maraming salamat po.”

Sa nagtanong kung new business niya ito, “yes” ang sagot ni Ai-Ai.

Sa isa pang nagtanong kung si Ai-Ai ba talaga ang gagawa ng bread and pastries na ibebenta niya?

“Oo ako kaya nga mag isa lang ako pre order at saka malamang QC lang muna kasi ma haggard ako hehe.”

Sa isa pang post ni Ai-Ai, makikitang gumagawa siya ng dough at ang caption, “Practice makes perfect PANDESAL AND CUPCAKES —soon.”

Nagsimula ang breads and pastries business ni Ai-Ai nitong may lockdown at dahil nasa bahay lang siya, nagsimula siyang mag-bake ng iba’t ibang tinapay.

Ang pinakahuli nitong pinost na gawa niya ay ube cupcake with lecha flan.

Hinihintay na lang ng prospective buyers at suki ni Ai-Ai na i-post niya ang number kung saan puwedeng mag-order at maghanda na siya dahil marami ang oorder.

Habang hindi pa bumabalik sa normal ang lahat, makakaya pa ni Ai-Ai ang maraming orders, pero paano kung mag-resume na ang taping ng mga network at may schedule na si Ai-Ai ng taping ng Owe My Love?