Aicelle at Mark ayaw ibunyag ang gender ng baby

August 20, 2020

COUPLE Aicelle Santos and Mark Zambrano are expecting their first baby sometime in November this year pero up to this time ay ayaw pa nilang i-reveal ang gender.

Ang singer-stage and TV actress na si Aicelle got engaged sa broadcast journalist  na si Mark Zambrano  nung March 17, 2018 na sinundan ng kanilang garden wedding  nung November 16, 2019 sa El Jardin of Zaida in San Juan,  Batangas.

Si Aicelle ay produkto ng Pinoy Pop Superstar singing competition ng GMA kung saan si Mark ay dating reporter.  They became a couple in 2016.

Naging bahagi rin si Aicelle sa tour ng “Miss Saigon” sa United Kingdom in 2018 where she played the role of the bar girl Gigi van Tranh at regular siyang napapanood sa Sunday musical program ng GMA, ang “All Out Sunday”.  Si Mark naman ay tumatayong sports commentator, TV host and news anchor ng ESPN5.