Aiko may pangako sa small business owners

July 26, 2020
Aiko Melendez

BILANG pagtulong sa mga small business owner sa bansa na umusbong ngayong may COVID-19 pandemic, nangako ang 'Prima Donnas' star na si Aiko Melendez na ipo-promote raw niya ang mga ito sa kaniyang mga susunod na YouTube vlogs.

Kamakailan lang ay inanunsyo ni Aiko na nalalapit na sa 100,000 mark ang mga subscriber niya at gusto niyang mag-give back. “I'm excited to share to all my almost 100,000 subscribers on YouTube that as my way of helping small business during the pandemic, will feature some products, food that I believe in. To all those who are deserving of shout outs from me, yes you read it right, not only in my IG stories but in my YouTube channel as well. So, this is my way of thanking everyone for subscribing on my YouTube channel. Now road to 100, 000.”
 
Samantala, tuloy ang online kumustahan at kwentuhan ng cast sa ‘Prima Donnas: Watch From Home' tuwing Biyernes sa official social media accounts ng GMA.