Aiko nanggulat sa bathing suit post

August 05, 2020
Aiko Melendez

INSPIRASYON para sa nakararami lalo na sa women her age si Aiko Melendez na kapansin-pansin ang kaseksihan ngayon kahit pa stuck at home sa gitna ng quarantine.

Sa edad na 44, ginulat ng seasoned actress ang netizens sa kanyang slimmer figure nang mag-post ito sa kanyang Instagram na naka-bathing suit.

Ibinahagi na noon ni Aiko na matinding disiplina raw sa pagkain ng tama ang naging susi sa matagumpay niyang weight loss journey. “Gusto ko maging healthy ako at gusto ko pagbalik ko sa TV via Prima Donnas, masa-shock ang tao sa akin dahil kalahating tao ang makikita nila kay Kendra,” dagdag pa ni Aiko.