Albert mukhang wala nang balak mag-asawa muli

April 20, 2020
Albert Martinez
Albert Martinez with first grandchild Adalyn Riley

LAST Sunday, April 19 ay 59th birthday naman ni Albert Martinez.

Dalawa na sa kanyang tatlong anak ang may asawa na, ang panganay na si Alyanna at ang bunsong si Alissa. Tanging si Alfonso na lamang ang wala pang asawa at ngayon ng actor sa kanilang bahay.

Si Albert ay isa nang grandfather sa kaisa-isa niyang apo na si Adalyn Riley, ang more than two years old daughter ni Alyanna at mister nitong si Roy Macam na sa California, USA naka-base.

Hindi pa rin naiisipan ni Albert na muling magkaroon ng asawa muli considering na limang taon na itong biyudo.

Tahimik ginunita ni Albert Martinez ang 5th death anniversary ng kanyang yumaong misis, si Liezl Sumilang-Martinez na sumakabilang-buhay nung March 14, 2015 dahil sa sakit na kanser.

Mukhang mas gusto nitong mag-focus na lamang sa kanyang trabaho bilang actor at ama sa kanyang mga anak.    

Ang bunso niyang si Alissa ay ikinasal sa Canada nung October 18, 2019 kung saan kumpletong dumalo silang mag-aama.

Sa taong ito ay magsi-celebrate na rin si Albert ng kanyang 40th year in showbiz.