Albert, walang balak mag-asawa kahit 5 years nang namayapa si Liezl

March 19, 2020

IKA-limang anibersaryo ng kamatayan ng namayapang actress na si Liezl Sumilang-Martinez last  March 14.

Si Liezl  ang namayapang misis ng actor na si Albert Martinez at ina ng kanilang tatlong anak na sina Alyanna, Alfonso at Alissa.  

Si Liezl ay ang kaisa-isang ring anak ng namayapa na ring dating couple na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.

Sa darating na March 27 ang 53rd  birthday ni Liezl.

Sa tatlong anak nina Albert at Liezel, dalawa rito ay married na  -- sina Alyanna at Alissa.  

Tanging si Alfonso na lamang ang nananatiling single. 

May isa na ring apo si Albert, ang more than two-year-old daughter ng mag-asawang Alyanna at Roy Macam na si Adalyn na ipinanganak sa  Amerika  noong January 2018.

Kahit limang taon nang wala si Liezl, wala pa ring planong mag-asawang muli si Albert.

Samantala, kung si Liezl ay yumao noong March 14, 2015, two years later naman  -- May 2, 2017 -- pumanaw sa   Amerika ang kanyang amang si Romeo “Bobby” Vasquez, and last  October 5, 2019, ang kanyang ina na dating  movie queen na si Amalia Fuentes ang yumao. 

Maging ang adoptive brother ni Liezel na si Jeric Stevens passed away and Liezl’s stepdad Joey Stevens.

First cousins ni  Liezl sina Aga Muhlach, Arlene Muhlach, Nino Muhlach, Almira Muhlach, AJ And Andrew Muhlach at pamangkin naman sa pinsan (kay Niño) ang child star na si Alonzo Muhlach.

Liezl died of stage 4 breast cancer which was first diagnosed in 2008.