Alden alaga ang mga empleyado kahit apektado ang negosyo

August 19, 2020
Alden Richards

MALAKING challenge sa singer, actor, TV host, celebrity endorser at entrepreneur na si Alden Richards ang lockdown dahil ang lahat ng tao ay apektado nito laluna ang mga negosyo.

Ang 28-year-old na si Alden ay may sariling franchise ng McDonald’s na matatagpuan sa Binan, Laguna at meron din siyang apat na branches ng Concha’s Garden Café (restaurant) na kasama sa mga naapektuhan in terms of revenues.  Pero sa kabila nito ay hindi umabot si Alden sa pagsasara ng kanyang restaurants at pagtanggal ng mga empleyado pero nagkaroon umano ng adjustments lalupa’t nabawasan din ang kanilang operation hours at percentage ng pagtanggap ng dine-in customers na may ilang buwan ding hindi in-allow.

During the lockdown ay hindi rin nagpabaya si Alden sa kanilang mga empleyado.

Samantala, unti-unti na ring nakakapag-adjust si Alden sa tinatawag na `new normal’ na kailangang tanggapin dahil sa present situation.

Unti-unti na ring nagre-resume ang taping at live production ng mga programa ng GMA pero lahat sila ay sumusunod sa mga required health protocol.

Samantala, ipinalalabas na ang shampoo commercial ni Alden kung saan kasama niya ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.  Ang commercial shoot ay ginawa pa sa Bangkok, Thailand.

Isa si Bea sa mga artistang gustong makatrabaho ni Alden sa pelikula.