Alden fans may aabangan na naman

August 26, 2020
Alden Richards
Alden Richards

MAY bagong aabangan ang fans at supporters ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards dahil may sisimulan siyang bagong proyekto sa Kapuso Network.

Bibida ang actor sa weekly series na ‘I Can See You: Love on the Balcony’ kung saan makakatrabaho niya sina Jasmine Curtis-Smith at Pancho Magno.

Nakatakda nang simulan ang taping ng programa ngayong linggo kaya naman todo-paghahanda na ang cast pati na rin ang production team para masigurong masusunod ang safety protocols na pinapatupad para sa kaligtasan ng lahat.

Bukod kina Alden, Pancho at Jasmine, makakasama rin sa programa sina Denise Barbacena at Shyr Valdez.