Alden gustong makapareha si Bea sa pelikula

July 27, 2020
Alden Richards and Bea Alonzo

ANG “Centerstage” ay isa sa mga programa ng GMA na pansamantalang natigil dahil lockdown.  Ang nasabing programa ay nagsimula sa ere nung February  16, 2020 hosted by Alden Richards at Betong Sumaya at kung saan naman tumatayong judges sina Pops Fernandez, Aicelle Santos at ang musical director na si Mel Villena.  Wala pang balita kung kailan magpapatuloy ang nasabing programa.

Samantala, ibinalita ni Alden na meron siyang gagawing bagong TV series sa GMA.  Ito’y bukod pa sa kanyang daily stint sa noontime show na “Eat Bulaga” at sa Sunday musical variety show na “All Out Sunday”.

Hindi ikinakaila ng singer-actor-host, commercial model  at entrepreneur na nami-miss na niya ang acting.  Huli siyang napanood sa action-drama series na “Victor Magtanggol.”

Still on Alden, may bago itong shampoo commercial kung saan niya kasama ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.  Ang commercial shoot ng nasabing produkto ay kinunan sa Bangkok, Thailand early this year.

Hindi ikinakaila ni Alden na isa umano si Bea sa gusto niyang makatrabaho sa isang pelikula after Kathryn Bernardo na nakapareha niya sa “Hello, Love, Goodbye” mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema na naging biggest grossing local movie of all-time.