Alden hinahamon ang sarili

July 05, 2019
Alden Richards

SUNUD-SUNOD talaga ang buhos ng blessings para sa Kapuso star na si Alden Richards. Bukod sa TV projects, endorsements, at pelikula with Kathryn Bernardo na "Hello, Love, Goodbye" under Star Cinema, siya ngayon ang bida sa July cover ng isang fashion magazine.

Ayon sa Pambansang Bae, gusto pa rin niyang hamunin ang sarili to do better. Kwento niya, “I want to portray different roles as much as possible, and I want people to see that my love for the craft is being showcased in the projects I make.”  

Ngayon pa lang, excited na ang lahat ng kanyang fans at supporters sa nalalapit na showing ng kanyang pelikula na Hello, Love, Goodbye on July 31.Malayo pa pero panay-panay na ang promo events nila para masigurong big hit ito sa takilya. Parang hinahamon din niya si Daniel Padilla na bida kasama si Kathryn sa highest grossing Filipino film na "The Hows of Us."