Alden kabilang sa "Ultimate Asian Heartthrob of 2020" 

April 12, 2020
 Alden Richards

ISA ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa pinangalanang "Ultimate Asian Heartthrob of 2020" ng poll na isinagawa ng Starmometer kung saan siya ay nasa 6th place sa listahan. Taun-taon ito kumakalap ng mga boto ng fans hindi lang sa Pilipinas pati rin sa buong Asya! Umabot sa total of 137,680 votes mula Facebook, Twitter, at Instagram ang nakuha ng 'Centerstage' host. 

Si Alden lang din ang kaisa-isang Pinoy na nakapasok sa Top 10! Sumunod sa pangalan niya ang mga sikat na international performers na sina V, Jungkook, Jin, at Jimin ng BTS, at ang Thailand actor na si Saran Sirilak. Dagdag na naman ito sa mas dumaraming karangalan na natatanggap ng Kapuso actor.