Alden at Kathryn magkasama na sa Hong Kong

April 08, 2019
Kathryn Bernardo & Alden Richards

UMALIS na kahapon, Monday, April 8 ang tropa nina Kathryn Bernardo at Alden Richards with Direk Cathy Garcia-Molina patungong  Hong Kong kung saan kukunan ang majority of the yet untitled film na kanilang gagawin under Star Cinema.  Malamang na abutan sila sa Hong Kong sa loob ng isang buwan kaya matagal-tagal na hindi mapapanood si Alden sa “Eat Bulaga.

Walang mag-iisip na posible palang magsama sa isang movie project ang dalawang young stars ng magkahiwalay na TV network.

Hindi ikinakaila ni Kathryn na sobra umano niyang mami-miss ang kanyang nobyo at ka-loveteam na si Daniel Padilla na nangako namang dadalaw sa Hong Kong.  Habang mami-miss naman si Alden ng kanyang mga followers sa “Eat Bulaga” kung saan niya kasama si Maine Mendoza.

Very supportive umano si Daniel sa tambalan nina Kathryn at Alden kaya malamang na suportahan din ni Maine ang tambalan ng dalawa.