Alden magkakaroon na rin ng YouTube channel?

August 09, 2020
Alden Richards
Alden Richards

IKINUWENTO ni Alden Richards ang posibilidad na magkaroon na rin siya ng sariling YouTube channel sa mga susunod na buwan kung magpapatuloy pa rin ang ‘new normal’ sa showbiz.

“Right now, we're transitioning into the new normal. So, we have to be open to new opportunities for work and continue to be in touch with the supporters and fans na nandiyan," paliwanag ni Alden.

Posibleng laman daw ng kanyang YouTube channel ang live streaming ng kanyang online games na napapanood na rin sa official Facebook page ng Kapuso actor. Bata pa lang daw siya ay mahilig na si Alden sa iba’t ibang games, "Ever since I was young, I was a gamer. Gamer na kami ng kuya ko so iba eh. Parang it's a different world. Games are games. Kahit ano pa ang composition ng laro.”

Nagpaalala naman si Alden sa mga gamer na kagaya niya na importanteng balansehin ang paglalaro ng online games at personal life.

Marami naman ang na-amaze na sa kabila ng pagiging abala niya under the new normal (he still has shows sa GMA at mga commercial), magagawa pa rin niyang magsimula ng isang Youtube channel. 

Kung sabagay, madali lang naman ito kung isasabay niya sa paglalaro ng online games at kung hindi naman siya ang mage-edit tulad ng ibang mga artista.