Alden at Maine ayaw pa ring pagsamahin muli

April 05, 2019
Maine Mendoza and Alden Richards

MUKHANG wala talaga sa immediate plans ng mga namamahala sa respective career nina Alden Richards at Maine Mendoza ang muling pagsasama ng dalawa sa isang proyekto.

Sa special Lenten presentation ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” na-assign sa magkakahiwalay na episodes ang bumubuo ng cast.  Ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto ay sa Japan kinunan ang kanilang episode.  Ang episode naman ni Joey de Leon kasama sina Alden Richards, Ryan Agoncillo at (Baeby) Baste ay dumayo sa General Santos City.  Habang magkasama naman sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros sa isang hiwalay na episode kasama as special guest ang dating co-host ng “Eat Bulaga” at ex-girlfriend ni Vic Sotto na si Chiqui Hollman-Yulo.  Ang hindi pa kami sigurado ay kung kasama si Tito Sen (Senate President Tito Sotto) in one of the episodes.

“Eat Bulaga” being the longest-running noontime show not only in the Philippines (but in the world as well) ay magsi-celebrate ng kanilang ika-40th year anniversary this July 2019.