Alden at Maine may kanya-kanya nang buhay

April 01, 2019
Alden Richards & Maine Mendoza

KAHIT medyo lie-low ngayon ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa kanilang kani-kanyang individual directions, patuloy naman ang dalawa sa pag-level up kung ang kanilang respective careers ang pag-uusapan.

Of course, alam na ng marami na tuluy na tuloy na ang unang tambalan sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden under Star Cinema na nakatakdang kunan sa Hong Kong with box office director Cathy Garcia-Molina.

Kamakailan naman ay muling nakatanggap si Maine ng panibagong parangal mula sa manufacturer ng iconic toy doll na Barbie, ang Mattel, Inc. sa pakikipagtulungan ng distributor nito sa Pilipinas, ang Richprime Global, Inc. sa kanilang pagkilala sa phenomenal star bilang “Most Inspiring Celebrity.”

Maine was still one of the `most tweeted about’ celebrities in 2018.