Alden at Maine tuloy ang buhay

February 27, 2019
Alden Richard and Maine Mendoza

TIYAK na matutuwa ang mga fans ng phenomenal star na si Maine Mendoza dahil may album itong pinagkakaabahalan ngayon.

Ang isa pang ikakatuwa ng mga AlDub fans nina Alden Richards at Maine ay ang paggi-guest ni Alden sa “Daddy’s Gurl” sitcom nina Vic Sotto at Maine sa GMA.

Kahit sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde na-link ngayon si Maine, nanatiling loveteam at magkaibigan sina Alden at Maine na regular pa ring napapanood sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.

In time, ipapakilala rin ni Alden ang babaeng kanyang napupusuan, not Maine dahil may Arjo Atayde na ito.

Speaking of Alden, malapit na nitong buksan ang sarili niyang franchise ng McDonald’s na parehong ini-endorso nila ni Maine.  Ito’y matatagpuan sa Binan, Laguna at sa April 25 umano ang opening nito.

At a young age of 27, maituturing na isang successful entrepreneur si Alden dahil bukod sa pagkakaroon niya ng sariling franchise ng popular food chain, tatlo na ang branches ng kanyang Filipino restaurant, ang Concha’s Garden Café na matatagpuan in Tagaytay City, Silang Cavite and in  Quezon City.

Kung malapit nang magbukas ang sariling franchise ni Alden ng McDonald’s in Binan, Laguna, nauna namang magkaroon nito ang ka-loveteam niyang si Maine in Sta. Maria, Bulacan which was opened in August 2017.