Alden may bagong adbokasiya, finalist bilang Sexiest Man

August 21, 2020
Alden Richards

MAY bagong adbokasiyang isinusulong ngayon ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards. Ito ay ang #EndTB campaign ng USAID kung saan kaisa ang GMA Network.  

Bilang ambassador nito, layunin ni Alden na ipalaganap ang impormasyon tungkol sa tuberculosis, pagwaksi sa stigma ng sakit, at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Aniya, “I am honored and grateful to be chosen as #EndTB Ambassador supporting the #TBFreePh campaign. I am excited for this new role and I hope I will be able to contribute to this public health advocacy. I have always been promoting a healthy lifestyle and I am embracing this challenge to promote health seeking behavior for tuberculosis especially in the midst of the pandemic.”  

Samantala, isa si Alden sa finalists ng Sexiest Man in the Philippines ngayong 2020 ayon sa entertainment website na Starmometer.com. Nagsimula ang global fan vote noong August 14 at magtatapos sa August 24. Maaari pang bumoto sa Facebook, Twitter, at Instagram accounts ng entertainment site.