Alden may bagong kinahihiligan

February 06, 2020
Alden Richards

AT 28, sobrang stable na ang estado ngayon ng Kapuso prized actor na si Alden Richards kaya kayang-kaya na nitong bumuo ng sarili niyang pamilya kung nanaisin niya.  But first, kailangan muna niyang makahanap ng babaeng kanyang mamahalin at kung sinuman ang babaeng iibigin niya ay sobrang napaka-suwerte dahil bukod sa mabait si Alden, sobra itong mapagmahal sa kanyang pamilya at napaka-grounded sa kabila ng kasikatang tinatamasa nito ngayon.  Labas pa rito ang kanyang pagiging successful entrepreneur with four branches of his  Concha’s Garden Café (restaurant) at isang franchise ng McDonald’s in Biñan, Laguna.  Hindi rin nawawalan ng product endorsements, programs with GMA at shows and concerts here and abroad.

Sa pagtatapos ng kanyang five-month old drama series na “The Gift,” agad namang sisimulan ni Alden ang kanyang bagong programa, ang “Centerstage,” isang reality singing competition for the kids kung saan siya ang host.

Si Alden ay frontliner din sa weekly Sunday musical show ng GMA, ang “All Out Sundays” na pinagsasamahan nila ni Julie Anne San Jose at iba pang Kapuso stars and talents.

Speaking of Alden, sa kabila ng kanyang busy schedule ay naisisingit pa rin nito ang pagdyi-gym na kailangan niya to keep him physically fit.  May bago rin siyang kinahihiligan ngayon, ang pagmo-motor dahil na rin sa kanyang newly-acquired big bike na nagkakahalaga umano ng mahigit P800K.