Alden may lihim na nililigawan

March 04, 2020
Alden Richards

MAY napupusuan na umano ang phenomenal actor-entrepreneur na si Alden Richards pero ipapaalam lamang umano niya ito kapag girlfriend na niya ang babae.  Ayaw pang magbigay ng clue ang Kapuso prized actor hangga’t hindi kasintahan ang girl na kanyang gustong pagtuunan ng pansin.

Mahigit isang taon na ang relasyon ng kanyang (dating) ka-loveteam na si Maine Mendoza sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde kaya may karapatan din si Alden na humanap ng sarili niyang kaligayahan.

Napakasuwerte naman ng magiging kasintahan ni Alden dahil bukod sa mabait, humble  at magalang ito, napaka-stable na sa buhay.

Hindi kaya si Julie Anne San Jose ang babaeng tinutukoy ni Alden?

Abangan!