Alden may tips para tumibay ang immune system

August 13, 2020
Alden Richards

PARA kay Alden Richards na busy at blessed pa rin with multiple projects, health is wealth talaga. Kaya naman, sinisiguro niyang may sinusundan siyang healthy diet at lifestyle. 

Sabi nga ng Kapuso actor, “In today's pandemic situation, taking extra care and boosting your immune system is very essential.” 

Kuwento niya, ang regular na pag-inom ng vitamins ang nakakatulong sa kanya para labanan ang mga kumakalat na sakit, “It has enabled me to fortify my own self and maintain my energy levels and immunity that are necessary in my very busy lifestyle.” 

Patuloy pa ring napapanood si Alden tuwing Linggo sa All-Out Sundays at sa rerun ng One True Love sa GMA Afternoon Prime.